Chapter 40

1.7K 30 0
                                    

Carie

Apat na araw nang pumupunta si Moon dito sa bahay para magmaka awa na kausapin ko na raw siya peru hindi ko parin ito kinakausap.

May part sa akin na nage guilty dahil kahit hanggang hating gabi ay nag aantay parin siya sa labas para lang kausapin ko.

Pinipilit naman ako ni Lola ko na papasukin si Moon at kausapin, dahil baka daw magkasakit ito gaya ngayon ay umuulan at nasa labas parin siya, kahit basang basa na siya ay hindi parin ito umaalis sa harap ng gate namin.

Peru hindi pa ako handa, ayuko pa siyang kausapin dahil baka bumalik ulit siya kay Jeada.

"Carie... Talk to her baka pag sisisihan mo to kapag umuwi na yan ng Pinas" pag uumpisa ni lola at tumingin naman ako sa kanya.

"Pabayaan niyo po siya, sana nga umuwi na e... tahimik na buhay ko dito at gusto ko na siyang kalimutan peru pumunta parin siya dito" mahabang sabi ko kay lola.

"Ikaw bahala basta sinabihan na kita apo, halata namang seryoso talaga siya sayo e" alam ko nag aalala din si lola peru ayuko muna siyang kausapin.

"O sige imbes na pag masdan mo siya diyan sa bintana mo, magpa hinga ka nalang muna kung ayaw mo namang kausapin yong tao" panenermon nito sa akin at natawa naman ako konte.

Peru sa loob loob ko ay gusto ko na din siyang yakapin, sobrang miss ko na din siya, lahat sa kanya lalo na ang mga yakap nitong nakaka gaan ng pakiramdam.

Peru kelangan ko'ng kalimutan lahat ng yon para narin sa sarili ko dahil ayuko ng masaktan pa ulit.

Kaya naman ay sinarado ko na ang bintana ko kahit gusto ko pa siyang matanaw mula sa baba, peru pina higa na ako ni lola para makapag pahinga na.

Pinapa bantayan ko naman si Moon kay manong sa labas lalo na kung umaalis na ito ay pinapasundan ko sa driver namin para kahit papano ay alam ko na safe siya.

Kahit ganun ay may pakialam parin ako sa kanya, baka mamaya pag tripan siya sa labas, hindi pa naman siya taga dito mahirap na.

At dahil don kay manong ko rin nalaman kung saan ito tumutuloy at iwas pag aalala yon dahil sa mismong hotel iyon na pag mamay ari ng grandparents ko.

Kahit nga yong staff doon ay lage kung tinatanong kung dumaan na ba ito o kung lumabas na ba ito at kung kumakain ba dahil bukod sa hotel iyon ay pwede ka ring mag order doon ng foods at hinahatid naman sa kwarto mismo.

Hayss hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa gayong ayaw ko naman siyang papasukin sa bahay at kausapin.

Siguro dahil siya ang momma ng baby ko o dahil sa mahal ko pa siya....siguro nga parehas ugh! Erase! erase!

Nang maka higa ako sa kama ko ay saktong tumunog naman ang phone ko at paniguradong si Belle iyon.

Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa niya dahil nag promise siya sa akin na wag sasabihin kay Moon ang tungkol sa akin peru naaawa daw siya kaya sinabi na niya hayss, peru hindi naman ako galit sa kanya nagtatampo lang nong una peru nawala din naman dahil hindi ko ito matiis.

Tinignan ko ang tumatawag at hindi ako nagkakamali si Belle nga iyon, kaya sinagot ko kaagad ang tawag.

"Hello? Belle" sabi ko sa kabilang linya.

"Carie how are you?" Tanong nito.

"I'm okay, don't worry about me" sagot ko sa kanya.

"How's Drey? Kinausap mo na ba?" Tanong ulit ni Belle.. at napa buntong hininga naman ako sa tanong nito.

"Nasa labas parin, ayaw umuwi kahit basa na siya ng ulan" naiinis ko'ng pagkakasabi.

"What!? Peru hindi mo man lang pinapapasok? Pano kung magkasakit yon aber? Walang mag aalaga sa kanya dahil mag isa niya lang diyan" Sinermonan nanga ako ni lola pati ba naman si Belle hayss kanino ba talaga sila kampi? Akala ko ba sa akin?  nakakatampo ha, kidding.

"Kasalanan na niya yon Belle" boring ko'ng sagot habang nilalaro ang mahaba ko'ng kuko.

"Carie naman" mahina nitong sagot at mukhang nag aalala din ito sa lagay ni Drey.

"I'll try to talk to her" pag sisinungaling ko...peru hindi talaga hmm!

"Wag mo i try Carie, gawin mo" mahinang sigaw nito sa akin.

"Ou na" sabi ko at napatawa nalang ako dahil para ko siya'ng nanay na sinesermonan ako peru hindi ko pinarinig sa kanya.

"Okay I'll call you tomorrow bye.." sabi nito at binaba na niya ang tawag, at ganun din ako.

Kaya naman ay nilagay ko na ang phone ko sa side table para maka pag pahinga narin dahil anong oras na.

Peru bago pa man ako matulog ay tumingin muna ako sa bintana para silipin si Moon peru wala na ito sa labas ng gate namin.

Siguro umuwi na ito kaya naman ay tinignan ko ang phone ko para i check kung anong oras na at 10:13pm na pala.

Peru bat parang maaga naman siya'ng umalis ngayon? I mean... Dati naman kasi kahit 1:00am na nasa labas parin siya ng gate.

Di kaya nakapag isip isip narin siya? Hmm... siguro.

Kaya bumalik na ako sa kama ko at pinikit ang mga mata at tuloyan na ako'ng naka tulog, hindi na ako nag aalala dahil paniguradong sinundan na ito ni manong pauwi sa kung saan ito ng stay.










**********




To be continued.....

LOVING YOU IN RED   (INTERSEX) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon