Carie
Isang buwan na simula nong umalis ako ng Pilipinas, isang buwan narin ako'ng nangungulila kay Moon, peru wala akong magagawa kung, hindi talaga siya para sa akin.
Alam ni Belle lahat ng nangyayari sa akin dito dahil lage kaming nag ke kwentohan, nang sa ganun ay mawala sa isip ko si Drey.
Ou pumunta ako dito para kalimutan siya peru hindi parin siya mawala sa isip ko, lalo na at siya ang ama ng dinadala ko ngayon.
Ou buntis ako kay Drey, nalaman ko lang to nong pagpunta ko dito dahil napapansin ng grandparents ko na lage akong nasusuka kaya naman ay pina test nila ako at confirm.
Pinaalam ko din ito kila Daddy at Mommy, akala ko nga papagalitan nila ako peru natutuwa sila dahil magkaka apo na rin daw sila sa wakas, peru hindi parin mawala sa kanila ang mag alala.
Masaya ako at malungkot, masaya dahil magkaka baby na ako sa babaeng mahal ko at malungkot dahil hindi namin siya makakasama ng anak niya.
Mas okay narin siguro yon kesa naman paulit ulit ako'ng saktan ang sarili ko na kahit gustohin ko mang makasama si Drey at hindi talaga pwede dahil nakaka siguro ako ngayong binalikan na niya si Jeada.
Peru kahit ganun hindi ko pinag sisisihan ang mga nangyari sa amin ni Drey, masaya parin ako dahil kahit papa ano ay nakilala ko siya, yon nga lang e nakilala ko siya sa maling pag kakataon.
"Malalim na naman iniisip mo apo, wag ka masyadong mag isip makakasama sa apo ko sa tuhod" sabi ng lolo ko, tumawa ito ng konte at tinapik tapik ng mahina yong balikat ko, alam ko'ng nag aalala din ito.
"Ou nga apo...maaayos din ang lahat" ngumiti naman ako sa kanila, pasalamat ako dahil kahit papa ano ay nababawasan ang lungkot ko dahil sa kanila, hindi rin kasi nila ako pinapabayaan mula ng pag punta ko rito.
"Wag po kayong mag alala sa akin grandma, grandpa...okay lang po ako" pag sisinungaling ko, peru ang totoo ay nalulungkot parin ako.
Ang parents ko naman ay bumibisita din dito para kumustahin ako ng personal, at nakaka tuwa naman dahil isang buwan palang mahigit ang tiyan ko may bumili na agad sila ng damit pang baby, ni hindi pa nga namin alam kung babae ba ito o lalaki.
Peru sa tingin ko naman ay babae ito nararamdaman ko, peru kung lalaki na man ay ayos lang din sa akin dahil anak ko naman ito....anak namin ni Moon.
"Buti naman kung ganun apo" sabi ni lolo na naka ngiti parin sa akin.
"Kayo po ang wag mag isip ng kung ano ano jan at alagaan niyo po pangangatawan niyo" pagkasabi ko sa kanila ay tumawa naman ito.
"Naku! Kahit maka ilang apo ako sa tuhod matibay parin kami ng lola mo" sabay tawa at inakbayan ni lolo si lola, ahww ang sweet naman nila sana maka tagpo rin ako ng kagaya sa kanila, yong talagang tatanda kayo pareho ng may pagmamahal parin sa isa't isa.
Sa gitna ng tawanan namin nila lolo at lola ay tinawag naman kami ng katulong namin para kumain.
"Naka handa na po ang pagkain ma'am, sir, ma'am Carie" pag aaya nito sa amin.
Kaya naman ay tumango kami at dumeritso na sa dining table para maka kain na.
Pilipina ang kinuhang kasambahay nila lolo dahil wala naman daw kasing nag a apply na taga dito kaya pinay ang kinuha nila, pati narin sa driver nila lolo at lola ganun din.
Naka upo na ang lahat at mag uumpisa na sana kaming kakain ng marinig naming may parating, pag lingon ko ay sila Mom and Dad pala.
Kaya naman ay tumayo ulit ako at nag mano sa kanila dahil miss ko narin mga to.
"No works taday Dad, Mom?" Tanong ko dito habang naka ngiti.
"Meron anak peru syempre bibisitahin muna namin ang magiging apo namin" nang gigil na sabi ni Dad, pati si Mom napa tawa na rin.
"What about me?" Kunwari ay nag tatampo ako peru tinawanan lang ako? Hala siya oh.
"Syempre ikaw pa ba? Miss kana rin namin" sabi ni Mom kaya napa ngiti ako.
Napa tingin ako sa likod nila Dad at nakita ko na namang may binili na naman sila, hayss mas excited pa ata sila keysa sa akin ah.
"Mom? Bumili na naman ulit kayo?" Tumawa lang sila pati ang grandparents ko.
"Mabuti na yong sigurado anak" sabi ni Mom at pinisil pisil pa ang pisnge ko na parang bata.
Maya maya pa ay nagsalita si lola, kaya napa tingin kaming tatlo.
"O saktong sakto nag di dinner na kami, sumabay na kayong mag asawa" sabi ni lola sa parents ko at tumango naman sila Dad at Mom.
Nang maka upo na kaming lahat at inutos naman ni lola sa kasambahay nito na ipasok sa room ko ang mga pinang bili nila Mommy at Daddy.
Pagkatapos naming kumain ay pinag pahinga muna nila ako, dahil kelangan ko daw yon para mas maging healthy ang baby ko pag labas.
Tama naman sila e, at isa pa wala akong ibang ginagawa bukod sa panunuod ng K-drama, oh diba mapa Pilipinas o London K-drama parin inaatupag, e bat ba gusto ko e!
Maya maya pa ay naka ramdam ako ng antok, dahil rin siguro ito sa pag bubuntis ko kaya antokin na ako ngayon.
Kaya naman ay humiga na ako sa kama ko at pinikit ang mga mata ko.
Ilang sandali pa ay naka tulog na ako, malalim narin kasi ang gabi kaya kelangan matulog na.
********
To be continued.....
BINABASA MO ANG
LOVING YOU IN RED (INTERSEX)
Storie d'amoreMoon Drey is a famous singer who has a girlfriend who is in a coma because of an car accident and she didn't realize that she is slowly falling in love with a famous model, named Carie. What she will do now when she has a girlfriend?