Chapter 36

1.3K 20 0
                                    

Moon

Pumunta ako kagabi sa bahay ni Carie peru napansin ko'ng hindi naka ilaw ang bahay nito kahit na sa kwarto niya.

Kaya naman ay tinawagan ko si Belle para tanungin ito kung kasama niya ba si Carie peru sabi nito hindi daw, at hindi rin daw niya alam kung saan siya.

Kaya naman ay pumunta ako sa mga bar na alam ko at mga restaurant peru wala ako'ng nakikitang Carie doon.

Naalala ko dati yong sinabi niyang dinner with family, kaya napa isip ako na baka nga kasama niya family niya ngayon.... peru saan naman? Wala naman kasing tao sa bahay niya.

Sinusubukan ko itong kontaken peru cannot be reached, kahit sa text walang ni isang sagot na natanggap ko galing kay Jade.

Kaya bumalik nalang din ako sa bahay at natulog, bukas ko nalang ulit siya puntahan sa bahay niya siguro naman andun na siya diba.

Ilang minuto ang nakalipas naka uwi na din ako at pumasok na sa bahay at naligo para makatulog na.

Si Carl naman ay umuwi na kanina pa dahil marami pa daw siyang aasikasuhin na trabaho, kaya umuwi na ito.

Pagkatapos ko'ng maligo ay inayos ko ang kama ko at humiga na, bago paman ako natulog ay chineck ko ulit ang phone ko kung may text ni Carie peru wala, siguro nga busy siya kaya natulog nalang ako.

Sana bukas hindi na siya galit sa akin dahil namimiss ko na siya, ou alam ko naman na lage kami nagkikita halos mag live in nanga kami dahil lage kami magkasama peru namimiss ko parin ito.

Friday, 9:30 am

Nasa work ako ngayon dahil sa may biglaang  photo shoot ako, tinawagan kasi ako ni Carl kaninang 6:00 am para sabihin ito.

Wala naman kaming ibang ginagawa maliban sa photo shoots, may mga kasama din kaming ibang artist dito kaya nakakatuwa dahil nag kwentohan kami ng kung ano ano lang.

Pagkatapos non ay bumaba na ako ng building at pupuntahan ko si Belle baka kasama na niya si Jade, hayss namimiss ko na ang yakap niya, ang ngiti nito lahat lahat sa kanya hmm.

Habang nag mamaneho ay nagpa tugtug naman ako sa stereo ko ay sinasabayan ko ito sa pag kanta.

Nang makarating ako sa building ay agad akong nagtanong tanong kung nakita ba nila si Belle kaya naman ay pumasok na ako at saktong palabas na ito.

"Belle?" Bati ko dito.

"Oh hey miss Drey" sabi nito at ngumiti.

"I just want to ask you about Jade? I've been trying to contact her but----"

"I don't know miss Drey, I'm sorry" sabi nito.

"Belle...." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"I'm sorry" sabi nito at umalis na sa harap ko.

No choice ako kundi bumalik na sa kotse at mag maneho pabalik sa bahay ko..

Where are you Jade? I missed you already.

Hindi kaya sobrang galit talaga siya sa akin dahil sa pag punta ko kay Ada..kung alam lang niya na siya lage laman ng utak ko habang andon ako, sana pala hindi ko na pinuntahan si Ada shit!

Imbes na umuwi ako ay pumunta muna ako sa bahay ni Jade magbabakasakaling andon siya, baka nagka kasalisi lang kami.

Pag pasok ko sa gate ay nag door bell agad ako, peru naka ilan na ako wala pa din, Jade where are you?

"Jade?!.... C'mon Jade I'm sorry!!" Sigaw ko sa labas ng bahay nito.

"Carie please!!!...." Sabi ko dito peru wala parin.

Kaya naman ay pumasok na ako sa kotse ko at babalik na pauwi para makapag pahinga na ako.

God Jade saan ka ba? Bakit ayaw mo magpakita sa akin o kausapin man lang ako kahit sa phone.

Naiiyak na ako peru pinipigilan ko lang.

Pagkarating ko sa bahay ay naligo agad ako, wala naman ako'ng ibang gagawin na, kaya mag lalaro nalang ako ng video games o di kaya manuod ng Netflix.

Habang nanunuod ako ay hindi parin mawala sa isip ko si Jade, san kaya siya ngayon? Sino kasama niya? Okay lang ba siya? Kumakain ba siya ng maayos? Hayss Carie naman e.

Peru hindi parin ako mapapagud kaka hanap sa kanya, hindi na ako papayag na hindi siya makita, sa ilang taon ko ba namang hinanap si Jade ngayon pa ba ako susuko? gayong alam ko na kung sino at nakasama ko pa.

Kaya gagawin ko ang lahat para makita siya, sakanya ako nangako, siya ang papakasalan ko at wala ng iba.

Sa lalim ng iniisip ko nagulat ako dahil tumunog ang phone ko kaya naman ay tinignan ko ito baka si Jade na peru...

"Yes Carl?" Sabi ko dito at napa buntong hininga.

"Oh kumusta ang panunuyo mo kay Carie ha?" Tanong nito sa kabilang linya halatang excited ito sa i chechika ko.

"Ayaw magpa hanap e" malumanay ko'ng sagot.

"Tinanong mo na ba si Belle tungkol jan?" Tanong nito.

"Yes! At sabi niya hindi niya alam" sagot ko naman.

"Baka naman kasi busy lang talaga siya diba" pag kukumbensi nito sa akin.

"O baka nakahanap na siya ng iba?" Sabi ko.

"Ay nako! Wag ka ngang mag isip ng kung ano ano Drey, ang tagal niyong hinanap ang isa't isa ngayon pa ba?" Mahabang sagot nito, alam ko namang sinabi niya lang to para hindi ako mag alala.

Kilala talaga ako ni Carl, alam niya lahat ang tungkol sa amin ni Jade dahil sakanya ko lang naman ito kinikwento.

Sana nga hindi totoo ang mga hinala ko, kinakabahan tuloy ako hayss!

"Sige na take your time I have to go" pag papaalam nito.

Kaya binaba ko na ang phone ko at nagpatuloy sa ginagawa kanina.

"I miss you Carie Jade" buntong hininga ko.










********





To be continued.....

LOVING YOU IN RED   (INTERSEX) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon