Chapter 27

1.6K 27 0
                                    

Moon

Andito na kami sa hotel kung saan kami mag stay, Si Carl naman ay nasa harap ng kwarto na sa tingin ko ay yon ang room nila.

"Drey isang room nalang ang available punoan na kasi e" sabi ni Carl, wala namang problema yon dahil magkatabi kami ni Carie hehe.

"Kung gusto niyo lipat nalang tayo sa kabilang-----"

"It's okay Carl, share nalang kami, Right Drey?" Sabi ni Carie at lumingon sa akin.

"Ah... Yes...yes" sabi ko, tumingin naman sakin si Carl.

"Sure kayo? Isang kama lang to" tanong nito ulit.

"Sa couch nalang ako" pag presenta ko peru magkatabi talaga kami hehehe.

"Okay ito yong susi... Take a rest both of you" ngumiti sa akin si Carl at tumalikod na ito para pumasok sa room nila... which is katabi lang namin.

Pumasok na kami sa loob at nilapag ang mga gamit namin sa gilid at binuksan ko yung saakin para ilagay sa bakanteng closet, ganun din ang ginawa ni Carie.

Maya maya pa ay humiga ako sa kama, ang lambot grabe.

"Come here" pag aaya ko kay Carie at humiga naman ito sa tabi ko at naka yakap ako sa maliit niyang bewang.

Matulog muna kami dahil napagud ako sa byahe, lalo na itong kayakap ko.

Mamayang gabi nalang kami mamasyal at mag swimming, nag alarm muna ako ng 5:30

Di nag tagal ay naka tulog na si Carie kaya naman ay pinikit ko na ang mga mata ko.

5:30 pm

Nagising ako dahil sa alarm ko, kinuha ko yung phone ko at pinatay ito, pagkatapos ay ginising ko na si Carie.

"Carie...hey" pagising ko sa kanya.

"Hmm?" Tugon niya.

"Let's go outside na?" Sabi ko at ngumiti sa kanya at hinalikan sa noo.

Maya maya pa ay bumangon na ito at pumasok sa banyo, kaya naman ay nag bihis na ako ng puting sando at polo na pang beach at short.

Pag labas ni Carie ay naka suot ito ng swimsuit na kulay red, kitang kita ang cleavage nitong mala nunal, bagay na bagay talaga sa kanya ang kulay na red, shit pigilan niyo ako charot!

Lumapit ako sa kanya at niyakap saka ko siya hinalikan sa labi, ugh walang pag babago anlambot parin ng labi niya.

"Your so hot babe" bulong ko sa tenga nito at hinalikan...napa ungol naman ito ng konte sa ginawa ko.... fvck nang iinit na naman ata ako.

Hahalikan ko na sana ito ulit sa labi ng biglang may kumatok sa pinto namin....the hell?! Tumawa naman si Carie dahil nag dadabog ako papunta sa pintuan.

"What!?" Bungad ko dahil alam ko'ng si Carl iyon.

"Tara na, manuod tayo ng live band dali!" Excited na aya nito....hmm interesting!

Kaya lumingon ako kay Carie at ngumiti, siguradong mag eenjoy ako nito.

"Let's go?" Tanong ko at tumango naman ito.

"Sure" kaya lumabas na kami para mag saya.

Naka baba na kaming apat at dumeritso kung saan may mga taong nag titipon tipon kaya lumapit agad kami roon.

"Drey kumanta ka dali!" Sigaw sakin ni Carl para marinig ko.

"Wag na ano kaba!" Pag tatanggi ko.

Maya maya pa ay kumuha si Carl ng alak para sa amin habang nag eenjoy kami pareho sa tugtugin.

LOVING YOU IN RED   (INTERSEX) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon