Chapter 37

1.5K 28 0
                                    

Moon

Ilang araw ko ng pinupuntahan ang bahay ni Jade peru wala parin ito, nag tanong tanong ako sa ibang nakakakilala sa kanya at ang sabi ay isang buwan na raw itong wala at hindi rin daw ito nagpapa kita kahit may fashion show sila.

Kahit si Belle ay wala raw siyang alam kung nasaan si Carie, peru hindi ako naniniwala, alam ko'ng alam niya kung saan pumunta si Carie, siya ang manager nito impossible talagang wala siyang alam.

Kaya naman ay inabangan ko talaga si Belle sa harap ng building kung saan ito nag tatrabaho para tanungin ulit tungkol kay Carie.

Nang makita ko si Belle na palabas ay sinalubong ko ito at kulitin, wala akong pake kung magalit pa ito sa akin ang importante makita at makausap ko ang babaeng mahal ko.

"Belle" sigaw ko dito habang sinasalubong siya sa hallway.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo----" halatang naiinis na ito dahil araw araw ko ba naman siyang kinukulit.

"Alam ko'ng alam mo kung saan siya Belle, please don't deny it" sabi ko at feeling ko anytime tutulo luha ko.

"Miss Drey...."

"Please Belle, I want to talk to her, I want to see her.... so please just tell me where she is!" Mahina ko'ng sigaw, at dahil don ay naramdaman ko nalang na tumulo na ang luha ko.

"Look... kung sasaktan mo lang si Carie pwedeng iba nalang? Wag ang kaibigan ko" pag mamaka awa nito.

"Belle... I loved her, I really do" sabi ko habang umiiyak parin sa harap niya.

"Please tell me---" luluhod na sana ako para magmakaawa sa kanya peru pinigilan niya ako.

"Miss Drey" pag pigil niya sa akin at bumuntong hininga ito.

"Nasa London siya...." Napa tingin ako dahil sa sinabi niya at nagulat, kaya pala hindi ko siya makita at ma contact.

"What?..." Iyon nalang ang nasagot ko, pano niya nagawang pumunta don ng walang sinasabi sa akin?

"And....." Tumingin ito sa akin, parang nag dadalawang isip pa ito kung sasabihin niya o hindi.

"She's pregnant" sabi nito at mas lalo akong nagulat sa sinabi nito.

"What!?...bakit hindi mo agad sa akin sinabi Belle" sabi ko.

"Ayaw niyang malaman mo to dahil mas masasaktan lang siya, at ang alam niya ay nagbalikan kayo ni Jeada" ano? Yon ba ang tingin niya sa akin? Wtf?!

"Give me her full address" I'm so Desperate right now and I don't care! Kailangan ko siyang makita.

Kumuha naman agad si Belle ng papel at nag sulat ito, pagkatapos ay binigay sa akin.

"Thank you Belle" ngumiti ako sa kanya at tumakbo palayo peru bago pa man ako maka layo ay sumigaw ito.

"Good luck!" Sigaw nito, tumango naman ako at pumasok na sa kotse ko.

Habang nag mamaneho pauwi ay tinawagan ko si Carl para ipag book ako ng ticket pa London, nag tanong naman ito kung bakit peru hindi ko sinabi, saka nalang siguro pag nakita ko na si Jade.

Maya maya pa ay nakarating na ako sa bahay at mabilis na pumasok papunta sa kwarto ko.

Kumuha ako ng isang empty suitcase at nag hanap ng ilang damit na dadalhin at importanteng bagay at mabilis na pinasok sa suitcase.

Pagkatapos ko'ng mag empaki ay lumabas na ako at pumasok na sa kotse ko para mag maneho papuntang airport.

Tinawagan ko ulit si Carl para tanungin kung naka pag book na ba ito, di nag tagal ay sinagot naman niya agad ang tawag ko.

"How is it?" Tanong ko sa kabilang linya.

"1:30pm ang flight mo Drey" sagot nito.

"Okay thank you" ibababa ko na sana ang phone ko peru nag salita ulit ito.

"Ano ba nangyayari Drey bat biglaan naman ata?" Tanong niya.

"Carl explain ko sayo pag andon na ako okay? Bye!" Paalam ko at binaba na ang phone ko para hindi na mag tanong pa, alam niyo naman yon.

Habang nasa byahe ay napaisip ako sa sinabi ni Belle na buntis siya? Kailan pa? Bat hindi ko man lang napansin yon dati?

Kaya ba lage siyang galit sa akin dati? Kahit wala naman akong ginagawa peru palagi itong naiinis, lalo na sa pagkain kung ano ano na lang pinapabili haysss!

Peru malay ko ba kung buntis na pala siya non diba? Anong alam ko sa ganyan! O baka naman hindi sa akin? assuming lang ako ganun? Hayss ano bayan.

Tinignan ko ang oras at 12:00 na kaya naman ay binilisan ko ang pag maneho baka mahuli pa ako sa flight ko.

Ilang sandali pa ay narating ko na ang airport at lumabas na ng kotse.

Bago pa man ako pumasok ay bumili muna ako ng iilang pagkain para hindi ako magutom sa mahabang byahe ko.

Pagkatapos non ay dumeritso na ako sa loob at nag antay ng ilang minuto.

Naiinip na ako gusto ko nang maka punta kung saan siya ngayon, miss ko na lahat sa kanya gosh!

Maya maya pa ay tinawag na ang susunod na lilipad at pumasok na ako sa mismong eroplano at umupo, may ilang taong nakaka kilala sa akin at ngumiti ito, ngumiti naman ako pabalik sa kanila.

Naka suot kasi ako ngayon ng sombrero na kulay itim at face mask na itim din at naka leather jacket kaya may iilan lang ang nakaka halata sa akin, peru okay nga yon e.

Sa kalagitnaan ng byahe ay nakaramdam ako ng antok, matutulog muna ako dahil mahaba haba ang byahe ko, para naman pag nakita ko si Carie hindi ako mag mukhang zombie diba.

Kaya naman ay pinikit ko na ang mga mata ko peru bago yon syempre senet ko muna airpod ko sa tenga at nag pa music, syempre para mas maganda tulog ko diba.

Sa wakas makikita ko na ulit ang babaeng mahal ko, at siguradohin ko'ng hindi ko na siya papakawalan pa, NEVER!













**********





To be continued.....

LOVING YOU IN RED   (INTERSEX) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon