Chapter 1

210 11 2
                                    

The way his smile curves makes me think of the soft arch of flowers opening up in the early morning, catching the soft glow of the sun. A radiant bloom that brightens the archery of my heart.

He is strong and tall, like a flower. His presence gives off a quiet power, with a strong stem that holds it in place. His eyes, which are deep and thoughtful, hold the brightness of a sunny field, and shows how much pain has changed him throughout our friendship.

He accepts many seasons of life with the same elegance as a flower. He stays vulnerable, when necessary, much like a blossom that lets the world see its soft center. And when he is happy, he blooms, his soul opening out like brilliant living flowers. At iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Being positive, even when storms hit him many times.

"Ang ganda mo talaga." Narinig ko ang mahinhin na boses ni Caleb habang naglalakad kami.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. He's five-foot eleven, habang ako naman ay nasa five-foot lang ang taas. Kailangan ko pa tuloy tumingala parati kapag titingin sa kanya.

"A-ako?" I uttered.

Pinitik nito ang noo ko. "Tanga! 'Yung bulaklak na hawak mo," usal niya kaya agad akong napasimangot.

Loko talaga itong lalaking 'to! Kung pwede ko lang siyang sipain ngayon ay ginawa ko na.

"Saan mo ba kasi dadalhin 'yan?"

"Sa buwan," pilosopo kong sagot.

Naglalakad kami ngayon habang hawak ko ang isang munting bulaklak na proyekto namin sa isang major subject. Hindi ko alam kung anong kinalaman ng bulaklak sa kurso kong Tourism at kung bakit nila ito ginawang individual project sa amin.

Basta may maipasa ako, okay na 'yun!

His eyes squinted. "Saan nga?"

I heaved a sigh. "Ipapasa ko nga," seryosong sagot ko. "Gusto mo ikaw na maghatid kay Sir Rozaldo?"

Biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi nang banggitin ko ang isang pangalan na kinaiinisan niya.

Dahil medyo may pagkabasag-ulo ito last year, muntik na siyang bigyan ng singko ng Professor ko ngayon semester dahil sa ginawa niya noon sa lalaki. Kung hindi ko pa siya inawat ay tiyak akong napuruhan na niya sa mukha ang bagong pasok noon na si Sir Rozaldo.

"Ikaw na lang ang magdala, bahala ka riyan!" turan niya sabay iwas nito sa hawak ko. Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya.

Ang gago talaga 'di ba?

"Sige na, mauuna na ako. Pumasok ka na rin baka hindi ka makapag-attendance niyan at mapagalitan ka pa," saad ko.

Tumango naman ang huli sa akin bago tuluyang kumaliwa ng direksyon. Ako naman ay paakyat na sa ikatlong palapag at malapit na rin sa silid namin. Pagpasok ko pa lang ay bumungad na sa 'kin ang maingay na paligid at daldalan ng mga blockmates ko.

Nasa gilid ang lahat ng dala nilang halaman na may nakadikit ng pangalan sa mga paso nila. Inilapag ko na rin ang akin at umupo na. Hindi rin naman nagtagal ay pumasok ang Professor namin.

"Nandiyan na si Professor kilay," pabulong na biro ni Trisha, one of my blockmates. Lahat kami ay napabalikwas sa kinauupuan nang makatapak ito papasok sa silid.

Hindi namin maitago ang tawa namin dahil sa sinabi niya, pero agad rin na naging seryoso ang lahat nang malakas na ibagsak ng guro namin ang kanyang dala.

Lahat kami ay takot sa kanya dahil madali itong magbigay ng tres sa grade namin. Hindi niya talaga pinapalampas ang kahit na sinong estudyante.

"Take your seat." His authoritative voice makes our room quickly become quiet. At kahit pa ang mga estudyanteng nasa labas ay tumatahimik kapag daraan sa silid namin.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon