Chapter 28

107 0 0
                                    

Dumating kami sa bahay ni Caleb at naabutan ko sina nanay Amelia at Eurie. Abala silang nanonood sa loob at mukhang nag-e-enjoy pa nga sila sa kanilang ginagawa.

Wala gaanong nagbago sa bahay ni Caleb, bukod sa mga bagong gamit at paintings na nakikita ko sa paligid. Naaalala ko pa noon kung paano kami maglarong dalawa sa bakuran nila kasama si August.

Ang sarap lang balikan ng araw na iyon, pero alama ko naman na lahat ng bagay ay nagbabago. I left my hometown seven years ago, at nang mabalikan ko ito ay parang kahapon lang ako umalis.

Nang makapasok kami papunta sa living room kung nasaan sila ay agad naman nila kaming nakita.

"Hija, nandiyan na pala kayo," aniya ni nanay. Lumapit ito sa amin at hinawakan ako sa kamay. "Kumain na ba kayo?"

"Hindi pa nga po eh," mahina kong sagot at napakamot sa batok ko.

"Sakto at hindi ko pa nabubuksan ang pagkain na dinala ko. Kumain na muna kayo ni Lexie." Napabaling naman ito kay Caleb at ngumiti. "Salamat nga pala sa pagpapatuloy sa amin ngayong gabi, hijo. Gwapo ka na, mabait ka pa. Mukhang nagmana ka sa iyong ina," aniya at may kaunting tawa pa na kumawala sa kanya.

"Walang anuman po, 'nay Amelia. Kaibigan ko naman po ako ni Sol, kaya wala pong problema sa akin kung dito po kayo manuluyan. Marami naman pong bakanteng kuwarto rito sa amin para sa mga bisita."

My lips parted. "Childhood friend lang po," pagsingit ko nang dapuan ko ng tingin ang lalaki.

Hindi naman umimik pa ang lalaki sa tabi ko at bigla na lang itong umalis nang igawi ko ang tingin ay paakyat ito papunta sa isang kuwarto.

Si Lexie naman ay tahimik lang din na nasa gilid ko at kumuha pa nga ng pagkain na nasa puting lalagyan at lamutakin na ang pagkain sa bunganga niya.

"Kapal mo talaga!" mahina kong anas.

"Close naman kami," natatawang sabi niya habang kumakain. "Gutom na rin naman ako eh. Gusto mo?"

Inirapan ko lang ang babae at naupo na muna ako sa malambot na sofa. Bukas naman ang TV at kanina pa pala sila nandito na nanonood.

"Nakaalis na rin pala sina tito Ramon at tita Mira papuntang palawan, baka sa susunod na araw pa sila makabalik," aniya ni Lexie.

Napakunot-noo ako habang nagsasalita si Lexie. "Si Jina pala nasaan?"

Ngumuso naman ito sa direksyon na tinutukoy niya at nakita ko ang isang bukas na pintuan.

"Nasa guest room, kanina pa tulog," sagot niya.

Nang lapitan ako ni Eurie ay bakas ang pag-aalala sa mukha niya. "Hindi kita matawagan kanina pa. Saan ka ba galing?" nag-aalalang tanong ni Eurie, napatingin din ito kay Caleb na kabababa lang at nagpupunas ngayon ng kanyang mukha.

I sighed. "I slept in your car. Hindi ko namalayan ang oras at napahaba na ang tulog ko. Wala ring signal kanina pa dahil malakas ang buhos ng ulan kaya hindi agad ako nakatawag," aniya ko.

"Soak yourself first," saad ni Caleb nang makabalik ito sa living

room kung nasaan kami. May hawak siyang nakatuping tuwalya at marahang ibinigay sa amin ito.

Tinanggap ko naman ito, pero agad din na hinigit sa akin ni Eurie para punasan ang mukha ko at pinabayaan ko lang siya na gawin kto sa akin. Kahit na sapat ang tulog ko ngayon

"Bantot, saan ang banyo n'yo rito?" tanong ni Lexie. Mukhang tapos na nga itong lamutakin 'yung pagkain at wala man lang tinira sa akin.

Gutom na nga rin ako. Kanina pa nga kumukulo ang tiyan ko sa gutom dahil hindi naman ako nakakain simula kg makarating kami rito.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon