Chapter 27

111 0 0
                                    

"I heard that you're a tourism student here before," the host said and slowly nodded.

"Anong naging rason mo para lumipat sa Manila at doon ipagpatuloy ang buhay mo?"

Biglang tumahimik ang buong paligid at ang lahat ng kanilang atensyon ay nasa akin. Nakatutok pa ang naglalakihang mga ilaw sa ibabaw ko, na lalong nagpakaba sa akin.

They looked at me for a second before I gave the host a quick smile.

"Actually, it's very personal to talked about that, pero ang isa sa mga rason ko kung bakit ko kinailangan na manirahan sa Maynila ay para maipagpatuloy ko ang pangarap naming dalawa ni nanay," mahabang litanya ko. "I did not graduate from college, which is why I have to rely on an environment where I can be independent and live freely.

Until I met the family I have today, and I'm grateful to have them guiding me. They are one of the reasons why I want to continue pursuing life."

Muling tumango sa akin ang lalaking host.

"Yes, but before you leave in your hometown..." Napatingin siya sa hawak niyang papel at ibinalik sa akin ang tingin pagkatapos ng ilang segundo. "May kumalat daw na video noon na nasabwat ang pangalan mo, tama ba?"

I gulped. I didn't expect that he would know that. That was a long time ago, pero nakakuha pa rin sila ng impormasyon tungkol do'n.

Isa pa, hindi ko nalaman ang mga tanong na ibabato niya sa akin dahil mabilis lang na nagsimula ang interview. They arrive here an hour after we arrived. At hindi ko na rin agad nakausap ang host o nabati man lang.

Bigla na lang kumirot ang puso ko at palihim akong napakagat sa ibabang labi. Every seconds that I'm here in Isabela is like my mind is tormenting by the past that swept away long time ago.

"Y-yes," nauutal kong sagot. "Matagal na iyon at hindi ko na alam pa ang nangyari sa mga kaibigan ko pagkatapos kong umalis sa Isabela."

Mas lalo pang kumabog ang dibdib ko kaya napahawak na lang ako sa aking kuko na gumagawa ng kaunting ingay para kumalma ako at ma-distract.

Truth be told, I don't want to talk about my past, but now...I know that the pain still resides in my heart, and now, I can face the scars that healed me today.

"And... your old friend still resides here in Isabela. Nagkita ba kayo ulit ngayong bumalik ka na rito?" he asked. Mukhang interesado din siyang malaman ang buhay ko noon, kaya hinayaan ko na lang ito.

That was an unnecessary question. It was personal, at parang wala ng kinalaman tungkol sa pagiging Café owner ko. It's like I'm retelling an old story to a friend, who hated to share it.

Napabaling naman ako sa lalaking nakatingin sa amin ngayon-si Caleb. He was sitting comfortable in his chair, and watching us not to far from him, habang ako ay parang ginigisa sa mga tanong ng host ngayon.

I fake a smile.

"Yes, I have many friends here in Isabela, pero hindi ko pa sila nakikita ulit," I answered. "Hindi ko nga alam kung nandito pa rin sila o baka lumipat na sa ibang lugar at may kanya-kanya ng pinagkakaabalahan sa buhay. I want them to meet again if I have a chance." Lumawak ang ngiti sa labi ko.

I lied.

Sa totoo lang, ayoko ng maungkat pa ang tungkol sa nakaraan ko at mga taong iniwan ko na sa nakaraan. Past should be forgotten and swept away in our mind for our own peace, at iyon naman ang makakabuti sa lahat.

And for sure, they do a background check on me before the camera roll or this interview. Siyempre gusto nila na maging sentro kami ng atensyon ng mga manonood at makakuha sila ng tungkol sa buhay ko.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon