Chapter 36

109 1 0
                                    

"Ang successful mo na, Sol," bungad sa akin ni tita Sandy nang maupo ito sa tabi ko. "Parang kailan lang noong humingi siya ng tulong sa akin dahil gusto niyang maging maganda ang kalabasan ng shop mo, he helped you through ups and downs, at alam ko naman na mahal ka pa rin niya..." Napatingin siya sa lalaking nakahimlay at walang gana itong ngumiti.

I chuckled. "Naalala ko pa no'n kung paano po siya lumuhod sa harap niyo para lang makuha niya ang allowance niya at maibigay sa akin pantulong sa shop na pinare-renovate namin," kwento ko.

"Gagawin niya talaga ang lahat para sa 'yo, Sol... hindi mo alam kung paano mo nabago ang buhay ni Eurie. Lagi ka pa niyang bukambibig sa tuwing magkikita kami." Marahan niyang hinaplos ang kamay ng kanyang anak at naluluhang tiningnan ang lalaking mahimbing lang na natutulog.

Mas guwapo nga siya tingnan kapag tulog.

Ang amo kasi ng hitsura niya. Nailipat ulit si Eurie sa isa pang private ward na mas malaki ang espasyo dahil napapatagal na ito sa hospital, and I'm still here hoping that he'll wake up. Ang sabi ng doktor sa amin ay possibleng magising na siya ngayong buwan dahil

base sa monitoring nila sa kanya ay himalang mabilis na naghilom

ang hemorrhage niya sa utak. Hindi nila maipaliwanag kung paano nangyari iyon, samantalang ako ay napangiti naman sa anunsyo nila
sa amin.

Dalawang buwan na ang nakalilipas simula no'ng mangyari ang aksidente niya. Si Jina muna ang nagpapatakbo ng shop ko at wala namang naging problem doon dahil magaling din siyang humawak nito. Sobrang dami na ring order ang hindi ko naasikaso nitong mga nakaraang linggo dahil palagi akong nandito sa hospital at hinihintay siyang magising.

Dalawang buwan na rin simula noong huli kaming nagkita ni Caleb. Tinatapos niya 'yung mga naiwan niyang proyekto sa Isabela, habang sina August at Maxine naman ay madalang ang pagbisita sa akin.

I've already told them what happened that day. Medyo nagalit pa nga si Max dahil sa ginawa ni Eurie, pero naiintindihan niya naman ito.

Araw-araw kaming pumupunta ni tita Sandy sa malapit na simbahan, hindi kalayuan dito sa hospital na tinutuluyan niya. Palagi ko siyang ipinagdarasal na sana ay gumaling na siya at magising na.

Sana... magising na agad siya. Na-miss ko na nga iyong tawa niya, 'yung pangungulit niya sa aking tuwing pumupunta siya sa shop. Iyong araw-araw niyang pagdala sa akin ng pagkain sa tuwing nakakalimutan kong mag-agahan.

I softly chucked. "Magkaka-apo na po kayo, tita...hindi nga lang po sa akin," mahinang saad ko.

Truth be told, I'm not mad at Lexie or neither of them. Sadyang hindi ko lang matanggap na ganon ang nangyari. It's hard to accept it, yes, but I know deep inside that she regret everything she did.

She quickly held my hand and pressed it softly, like she always does when she's around us with Eurie and having a heart-to-heart talk. "Naiintindihan ko naman ang nangyari, Sol at lagi akong nagpapasalamat na naging parte ka ng buhay niya. You're always there for him, at sapat na iyon sa akin na makitang masaya siya at nahanap na niya talaga ang taong para sa kanya." There was a pinch of pain in her words at nauunawaan ko naman iyon.

Noong una ay medyo hindi pa tanggap ni tita Sandy ang nangyari
dahil nga biglaan ito at hindi niya naman inaasahan ang gano'ng balita, but she always understood everything. Mahinahon siya at mapagkumbaba, gano'n din si tito Rei.

They've been a good but not a perfect parents to Eurie, pero alam kong sa tingin pa lang nila ay nauunawaan nila ang sitwasyon.

Bigla tumunog ang cellphone ko at naudlot ang masayang usapan namin ni tita Sandy. Bumaba rin muna ito para bumili ng pagkain sa labas dahil buong araw akong nanatili rito kasama si Eurie at hiindi na ako nakauwi pa sa amin.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon