Chapter 9

121 10 0
                                    

"Balita ko may competition daw sa cookery club ah, sasali ka ba Sol?''

Napabaling ang tingin ko kay Sam. ''Hindi ko pa sigurado eh.''

Nakatanggap na ako ng paanyaya galing sa president ng cookery club kanina. Tinatanong ni Alvin kung sasali raw ba ako. Hindi ko muna siya sinagot dahil nagdadalawang-isip pa ako. Isa pa, wala rin kasi akong pambili ng mga ingredients na gagamitin sa lulutuin naming putahe at kung gagamitin ko 'yung sahod ko sa Vermont, baka wala ng matira para sa check-up at gamot ni nanay.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nagsusulat. Ang daming bayarin.

''Sayang naman ang talent mo sa pagluluto, Sol. Magaling ka rin naman. Kaya nga sobrang nagustuhan namin ni Caleb 'yung gawa mong cookies eh,'' dagdag niya pa.

Her words somehow boost my confidence. Alam kong marami pa akong dapat I-improve sa pagluluto ko, pero dahil marami akong feedbacks na nakukuha, lalo na kay Heinz, parang gusto kong subukan na sumali.

''Pag-iisipan ko pa...'' My voice trailed off. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok na sa silid ang professor namin. As usual, may surprise quiz na naman kami. Buti na lang talaga ay may naitabi akong notes na galing kay Sam at ang ilan sa mga nasulat niya ro'n ay lumabas sa quiz namin.

''Sayang, perfect na sana!'' may pagkadismayang sabi ni Sam.

I chuckled. ''Okay lang 'yan, Sam. Bawi ka na lang next time.''

I pat her back just to ease her disappointed. Hindi naman kasi mawawala iyon sa atin at okay lang na makaramdam tayo ng gano'n.

It's valid-and it will always be.

Ngumiti lang siya sa akin ng mapait bago siya tumayo at iniligpit ang gamit niya.

One point ahead lang naman ang lamang ko sa kanya at natuwa naman ako kasi mataas ang nakuha kong score. Madalas kasi ay laging itlog o hindi kaya parang pasang-awa ang mga score ko, pero dahil kay Sam ay malaki ang naging tulong niya; pati na ang mga notes niya.

''Tara na kumain na tayo, naghihintay na 'yung dalawa sa labas oh,'' pag-aya sa akin ni Sam.

Hindi pa man ako nakakatayo ay agad na hinatak ni Sam ang braso ko palabas ng silid. Wala na rin naman akong nagawa at sumama ng kumain sa kanila-dadaan pa naman sana ako ng library ngayon para manghiram ng libro, pero naudlot lang.

''Ako na bibili, kumuha na lang kayo ng pwesto niyo dahil baka maubusan pa tayo sa sobrang daming estudyante na gusto na ring makakain,'' saad ni Caleb.

''Master, 'wag mo kalimutan 'yung juice ah!'' sigaw pa ni August sa kanya at tumango lang ang huli bago kinausap ang tindera.

Nang makaupo kami ay tila kami lang yatang tatlo ang tahimik, habang rinding-rindi ako sa mga estudyanteng nasa paligid ko sa sobrang ingay. Para kaming nasa palengke.

''Ang tahimik n'yo naman. Parang naninibago tuloy ako,'' turan ni August na may pilyong pangngiti.

''Bumalik ka na sa bebe Maxine mo, baka hinahanap ka na niya. 'Di ba sabay kayong kakain ngayon?'' aniya ko. Agad kong iniba ang usapan dahil alam ko na ang nasa isip ng loko.

Mang-aalaska lang ito sa amin kaya binunot ko na ang huling baraha ko.

''Nasa library pa siya at mamaya pa 'yon lalabas.'' Nakahawak naman ito sa kanyang balikat na may pag-iling. ''Parang sasakit na naman yata ang braso ko sa dami ng librong pinapa-akyat niya.''

''Ang sabihin mo, mas malakas pa ang katawan ni Maxine kaysa sa 'yo. Ang konti nga lang ng pinapabuhat niyang libro,'' sambit ni Sam na abalang nakatingin sa salamin at nagre-retouch.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon