Chapter 10

125 10 0
                                    

Two weeks have passed and another week to survive. Lunes pa lang pero ramdam na ramdam ko na ang pagka-drained ko. Lahat ba naman kasi ng subjects last week ay nagbigay ng activities, tapos this week agad ang deadline.

I grunt in frustration.

Parang gusto ko na lang mamatay sa dami ng gagawin. Thesis, project, mga natambak na gawain, tapos sabay-sabay pa ang deadline nila.

Lord, please lang, let Monday be good to me. Kahit ngayong araw lang. Napabaling naman ang tingin ko kay inay na nag-aayos nang ilalako niyang bibingka mamaya. Bakas ang malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha kaya napakunot-noo ako.

''Nay, pwede pa naman po kayo magbenta sa susunod na araw. Mas mabuti po munang magpahinga kayo rito sa bahay,'' suhestiyon ko. May natira pa naman akong pera sa napanalunan ko noong nakaraang araw sa cooking competition, kaya sapat na iyon sa pang isang buwan naming gastusin.

Napatigil si inay sa pagbabalot niya at tumingin sa akin.

''Ano pa nga bang magagawa ko. Sumasakit pa rin ang likod ko hanggang ngayon,'' aniya.

Nitong mga nakaraang araw ay pansin ko ang pag-inda niya sa kanyang likod dahil sa sunod-sunod nitong paghahanap ng kikitain. Tumatanggap kasi siya ng labada at mga gawaing bahay pandagdag kita niya. Sinabihan ko na siya sa huwag magpapagod, pero hindi naman siya nakikinig sa akin.

Hinawakan ko ang kanyang balikat at ngumiti. ''Hayaan niyo, 'nay. Kapag dumating na ang sahod ko ay pupunta agad tayo sa doktor,'' banggit ko.

I caressed her hand and gave a reassuring smile.

Pinatigil ko muna si inay sa pagbebenta ng bibingka dahil mataas din ang tiyansa na magkaroon siya ng heat stroke kung sakaling bumilad siya sa araw habang naglalako.

Grabe pa naman ang init ngayon, nakakapaso sa balat.

Gustuhin ko man na pumalit muna sa kanya ay hindi ko rin kaya dahil sa schedule ko sa eskwelahan pati na sa trabaho ko.

''Ibigay mo na kasi! Isa, hahalikan talaga kita 'tamo!'' usal ni Sam habang inaagaw ang hawak ni August.

Nasa gilid kami ngayon ng campus at maraming estudyante ang napapalagi rito, bukod kasi sa maraming mauupuan ay may silong pa ito.

I smiled as I watch them teasing each other. Parang aso't pusa ang dalawa sa harapan ko. Mas lalong naging malapit ang dalawa sa isa't-isa nitong mga nakaraang araw.

Mahigit isang buwan na rin pala simula ng maging transferee student si Sam. Our bonds together become strong at mas lalo niya pang nakilala ang ugali nina August at Caleb.

At siyempre nahawaan na rin ng ugali ko.

Mula sa hindi kalayuan ay natatanaw ko silang nagtatawanan at madalas ay nanghahampas pa si Sam kapag tumatawa.

''Hoy! Ang daya mo, August,'' bulyaw pa ni Sam.

''Ako pa ang madaya, talo na nga ako,'' rebat naman ni August sa kanya. They're playing monopoly, habang ako ay abala rito sa librong binabasa ko.

Ayoko kasing pumunta mag-isa sa library dahil bukod sa boring ay hindi ko naman kasama si Caleb. He's also busy doing his own business-his project in foundation engineering. Yung plates niya na ilang araw na niyang ginagawa.

Kulang na nga lang ay katabi niya na matulog ang calculator niya dahil parati niya itong hawak kapag nagkikita kami.

''Gawa mo?'' tanong ko. Nanggugulo lang sa kanya dahil medyo boring ang binabasa ko.

Hindi naman ako tinapunan ng tingin ng huli at itinuloy lang ang kanyang ginagawa.

''Huwag kang magulo, baka magkamali ako sa sinusulat ko,'' sungit niyang sabi.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon