Chapter 4

135 10 0
                                    

Nasa klase kami ngayon at dahil wala pa ang professor ay puro chismisan na naman ang inaatupag ng ilang mga blockmates ko. Napabuntunghininga na nga lang ako dahil pangalan ko na naman ang umiingay sa buong department namin.

''Huy, totoo bang close kayo ni Heinz?'' tanong ng isang blockmates ko. ''Balita ko kasi ay panay ang punta niya rito sa dept natin.''

''No,'' I tipidly replied to her. Minding my own business as I scanned my notes.

''Eh, Bakit siya laging nakatambay sa dept natin, tapos panay ang silip niya rito?'' aniya pa ni Kate.

Kumibit-balikat ako. ''Ewan ko.''

Imbis na pag-aksayahan siya ng oras sa mga walang kwentang tanong ay tinuon ko na lang ang tingin ko sa notes dahil mas importante sa 'kin ngayon ang mag-review.

Baka kasi may surprise quiz na naman ang professor namin tulad last week, although he already gave us the materials we need. Tamad lang talaga akong mag-review.

''Ay teh, ang swerte niya kasi sa lahat ng babae siya lang ang binibigyan niya ng pansin.''

''Oo nga, baka nga ligawan niya pa si Sol eh. Maganda naman siya kaso lang...''

Kaso lang ano? Bakit hindi niya tapusin ang gusto niyang sabihin kahit na naririnig ko naman ang lahat ng sinasabi nila sa akin.

''Balita ko nga cold person 'yun kaya nakakapagtaka na lagi na siyang nakatambay sa department natin at hinahanap si Sol.''

"Hindi ba't siya 'yung anak ni Mr. Vermonte?''

''Oo, balita ko nga may kabit raw 'yun. Ewan ko lang kung totoo pero iyon kasi ang mga sabi-sabi.''

''Na 'ko kaya naman pala. Mukhang may pinagmanahan talaga 'yung anak niyang playboy.''

I don't want to eavesdrop to their conversation, but I think they've crossed the line too much lalo pa't sa kanila ko pa mismo narinig ang mga rumors tungkol sa amin ni Heiz, pati na sa Dad nito.

Wala ba silang sariling buhay at problema na kailangan nilang intindihin? May mga tao talaga ngayon na may masabi lang kahit hindi naman alam kung too nga ba ito o hindi, basta narinig nila sa iba ay paniniwalaan agad nila.

I gave them my deadliest glare. Ayoko mang gawin ito pero iyon ang paraan ko para makita nila na naririnig ko ang mga sinasabi nila. Agad naman silang nag-iwas ng tingin sa 'kin at ang isa ay napatakip na lang ng mukha gamit ang notebook niya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay saktong tapos na ako mag-review bago pa pumasok sa silid namin ang professor namin, pero may kasama siyang babaeng estudyante.

Another transferee student?

She smiled at us as she entered the room. Lahat kami ay natuon ang atensyon sa kanya. Kahit sino naman ay mapapatingin sa ganda niya lalo pa't maganda ito at mapusyaw ang balat kaysa sa akin.

She has long brown hair and round-shaped hazel eyes. May ilan pang mga hibla ng buhok na natatapan ang ka nang bahagi ng kanyang mata kaya panay ang hawi niya nang pumasok ito.

Kung titingnan ay mukha siyang half pero mas namumutawi pa rin ang gandang pilipina niya dahil sa facial features nito, sa ilong pa

lang kasi ay mahahalata mo ng pilipino agad siya

''Introduce yourself.''

Walang bakas ng kaba sa kanyang mukha. She seemed very confident as she wore her beautiful smile. Sanay na sanay na 'yata siyang humaharap sa maraming tao.

''Hi, my name is Samantha Czarina Galvez, I grew up in Massachusetts pero laking pilipina pa rin naman ako. I'm half filipino-american, and we just moved here in the Philippines last December because of some family matters.''

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon