Linggo ngayon at siyempre araw ng pahinga ko. Bukas pa ang balik ko sa Vermont at 4 P.M pa naman ang simula ng shift ko. Sakto rin na umaga lang ang klase namin kaya hindi ako magkakaroon ng conflict sa schedule ko. Nasa sala ako at kakapasok ko lang ng kuwarto. Nakita ko si inay na abalang nagliligpit ng mga damit at ibang pang gamit namin.
"Nay, magpahinga na po muna kayo.'' Hinagod ko ang kanyang likod nang makita ko ang kanyang pag-iling sa sakit. ''Masyado pa pong marami ang tutupiin n'yong damit, ako na po ang bahala riyan.''
''S-salamat, Sol. Pasensya na at medyo sumasama yata ang likuran ko ngayon. Alam mo naman ang inay, tumatanda na kaya nakakaramdam na ako ng rayuma.''
Mukhang kailangan na naming magpa-check-up sa susunod na linggo, kapag nakuha ko na ang sahod ko sa Vermont. Inaasahan ko na rin na napapagastos kami sa kanyang gamot, pero gagawa naman ako ng paraan kung sakaling kulangin ang pambili ko.
"Nay, huwag na rin po muna kayong maglako bukas at magpahinga na muna kayo,'' habilin ko.
''Ayos lang ako, Sol. Huwag mo ako masyadong alalahanin. Kaya ko pa naman. Konting hilot lang nito ay mawawala na rin ito.''
Napabuntong-hininga na lang ako. Kailan ba makininig sa akin si inay? Ako na lang ang lagi niyang inaalala, samantalang siya ito sumasama ang pakiramdam dahil sa likod niya.
''Maghahain na 'ko ng tanghalian natin. Pagkatapos mo riyan ay lumabas ka na at kumain ah,'' aniya ni inay at tumango naman ako nang may pangngiti.
Habang abala akong nag-aayos ng gamit ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa lamesa at nang buksan ko ay rumehistro ang pangalan ni August.
Mukhang mambubwisit na naman 'tong lokong 'toh. Ano na naman kaya ang kailangan niya?
Pango:
Ano ginawa n'yo kahapon?Aba! Kailan ka pa naging chismoso ang ulupong na 'toh?
Agad naman akong nagtipa para reply-an siya.
Pandak:
Ba't mo naman tinatanong, aber?Pango:
Hindi ba pwedeng curious lang kami ni Sam. So ano nga ang tsismis? Nag-kiss ba kayo kayong dalawa?Pandak:
Tangina mo talaga, Augustus! Kumain lang naman kami sa labas. 'Yun lang.Diniinan ko pa talaga ang pagpindot ng send button dahil sa inis. Ilang segundo lang ang lumipas ay mag-reply na siya.
Pango:
Ay shala may pa-family dinner sila. Part of the family ka na rin ba?Hindi pa ngayon. I smirk before my fingertips glide over the phone screen to type. Mukhang sa akin pa nga mapupunta ang huling
halakhak. Let me turn the table at siya naman ang inisin ko.
Pandak:
Kamusta na pala kayo ni Maxine? Balita ko ayaw sa iyo ng Dad niya. Sinuntok ka pa nga eh, masakit ba?
Kapag mahal mo talaga ipaglalaban mo hanggang kamatayan.Pango:
Ang daya mo! Huwag mong ibahin ang usapan natin. 'Di porket botong-boto sa 'yo sina Tito Ramon at Tita Mira nangbibira ka na ah.Napahalakhak na lang ako ng matanggap ko ang text mula sa kanya. Sigurado akong nakabusangot na 'yun at umiiyak na.
Pandak:
Botong-boto nga sila. Hindi ko lang sigurado kung maipapanalo ko ba ang puso niya.
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...