Chapter 14

122 9 1
                                    

Lunes ngayon at siyempre walang pasok ang department namin pati ang architecture dahil may event sa school at hindi kami kabilang ro'n. Iyong mga kasama lang sa competition tulad ng essay, debate, quiz bee at iba pang patimpalak nila na ang iba ay gaganapin sa Iligan City in Cagayan De Oro, kung nasaan ngayon sina Sam, August at Caleb.

Hawak ko ngayong ang phone ko. Buti na lang ay pwedeng gumamit dito sa loob ng library. Tahimik lang akong nakaupo habang may mga tambak na libro sa aking mesa. Ang dami ko pang kailangan basahin lalo pa't may mga recitation kami na tungkol sa geography.

Lebleb Bantot:
Ang ganda rito sa tinago falls, sayang at hindi ka nakasama, Sol. Bawi na lang ako kapag bakasyon na. Lilibutin natin ang buong pilipinas kung gusto mo, kaya huwag ka ng magtampo kung hindi ka nakasama, ah? :⁠^⁠)

Nag-send siya sa akin ng picture na magkakasama silang tatlo na nakarating na sa lugar. Hindi pa nila ito nalilibot ng buo dahil isang oras pa lang ang nakalilipas ng makarating sila sa Tinago Falls.

Anak araw:
Hindi naman ako nagtatampo, Caleb. Mag-enjoy lang kayong tatlo at huwag mong kalimutan ang pasalubong ah!

I smiled bitterly. Oo nga ang ganda r'yan, sayang at wala ako para masilayan ito. Napakasaya ko siguro kung makapasyal ako sa lugar na 'yan.

Minutes later, he replied.

Lebleb Bantot:
Oo padadalhan kita ng tambak na pagkaing nabili namin dito. Sayong-sayo lang lahat 'to.

Muli akong ngumiti. Buti naman at hindi niya ako nakalimutan. Ilang segundo ang lumipas ay nag-text rin ang isang loko sa akin. Mang-iingit lang din naman ito at hinayaan ko na lang siya.

Pango:
Grabe sobrang ganda rito, sana makapunta ulit tayo pero kasama ka na, Sol. Huwag ka ng magtampo alam ko naman na naiinggit ka.

Pandak:
Bleh! Hindi naman ako naiinggit dahil sinama ako ni Caleb sa flower garden kahapon, tapos kasama ko pa ang bebe mo.

Nakita ko naman ang text sa akin ni Sam at agad na binuksan ito para basahin.

Sam:
I take a lot of pictures para makita mo rin nang buo ang Tinago Falls. You would definitely love this place, Sol! Sayang lang at wala ka rito. :⁠'⁠(

I didn't reply to her.

Agad kong binaba ang phone ko at itinuloy ang pagbabasa ng libro. Mabigat pa rin ang loob ko sa ginawa niya sa akin, hindi man lang ito nagpasabi na nakarating na siya at wala akong natanggap na text sa kanya pagkatapos nilang mag-sleep-over—things like they always keep to themselves like I'm not their friend. Parang sa mata nila ay hindi ako mapagkakatiwalaan.

Napabuntong-hininga na lang ako bago inilapat ang libro sa lamesa.

''Makakapunta rin ako diyan balang araw,'' mahinang bulong ko sa sarili.

Sayang nga naman talaga kung hindi ko masisilayan ang ganda nito. Balang araw ay makakapunta ako r'yan kasama si nanay at Caleb.

Indeed, Tinago Falls is majestic and beautiful.

It's one of my dream destinations. Hindi lang dahil sa magagandang tanawin doon, kung hindi rin sa matatayog at magaganda rin ang kanilang waterfalls. Kaya lagi ko itong bukang-bibig kay Caleb kapag tungkol sa pag-travel ang topic namin.

Well, a quick background about it. Iligan City is known in the Philippines as the City of Majestic Waterfalls. The powerful Agus River flows through the city and in the surrounding countryside are found at least 23 waterfalls. Tinago Falls means 'Hidden Falls'. It's got this name because the falls are literally hidden away from sight and sound far off in the midst of a deep ravine.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon