Chapter 11

123 10 0
                                    

Muling pumatak ang luha sa mga mata ko nang makarating ako sa hospital. Hindi mawala ang kab sa puso ko at pag-aalala kay inay. Itinuloy niya pa rin ang pagtitinda ng bibingka kahit binilinan ko na siyang magpahinga na muna.

''N-nurse, si Ms. Flores po?'' tanong ko. Itinuro naman niya ang direksyon kung nasaan ito.

''Sol...''Kahit maingay ang paligid, alam ko ang boses ng aking ina. Luminga-linga ako ng nahimigan ko ito at hinanap ang kanyang boses, pero mas naluha ako dahil sa pag-aalala sa kanya ng makita ko ang kanyang kalagayan.

Nakatayo siya na nakahawak sa kanyang likuran, iniinda pa rin ang sakit na ilang araw na niyang nararamdaman. Agad kong siyang sinunggaban ng yakap. Halos maluha pa rin ako nang magtama ang tingin namin.

Hinawakan niya nang marahan ang aking kamay at inaalo ako sa aking pag-iyak.

Ganito nga siguro ang pakiramdam kapag alam mong nalagay sa alanganin ang mahal mo sa buhay. Hindi ko mapigilan ang luha at pag-aalala sa kanya.

''Ayos lang ako, Sol,'' mahinang sambit niya.

"Huwag ka ng mag-alala pa, hindi pa ako mawawalay sa 'yo.''

Ang kanyang mahinhin na tawa ay may halong tuwa at lungkot na hindi ko maintindihan. Hindi na nga tumitigil sa pag-agos ang luha ko at panay ang pawi sa aking mata.

'N-Nay, sabi ko naman sa inyo na magpahinga muna kayo hangga't may nararamdaman kayo, pero hindi naman po kayo nakikinig,'' sermon ko sa kanya.

''Konting rayuma lang ito at napagod lang ako sa paglalako kanina sa initan, kaya bumagsak ako. Buti na lang ay naroon ang kumare ko at tinulungan akong madala rito,'' saad niya.

''Sa susunod 'Nay, huwag n'yo na pong balewalain ang tagubilin ko sa inyo. Alam n'yo naman po na grabe ako mag-alala sa inyo,'' wika ko habang pinupunasan ang luha.

''Ikaw pa nga rin talaga ang prinsesa ko, Sol. Parang kailan lang ay naglalaro pa kayo si lebleb sa buhanginan, pero tingnan mo ngayon at malalaki na kayo,'' malumanay niyang sambit. ''Ang bilis ng panahon, anak. Sana kung paano ko abutin ang mga pangarap ko sa buhay noon ay ganoon ka rin kahit hindi marangya ang buhay natin.''

Tumango na lang ako sa kanyang mahabang sinabi sa akin at muli siyang niyakap. Gagawin ko naman ang lahat para mairaos ko ang sarili para mabigyan siya ng maginhawang buhay na inaasam niya.

We are human, and we should permit ourselves to shed tears, enabling us to heal from long-standing pain.

No'ng sinasabi niya ang salitang iyon ay parang may bubog na bumaon sa balat ko habang hinahayaan ko lang umagos ang dugo at maghilom. Mas may sasakit pa pala rito, ang makitang nahihirapan ang mahal mo sa buhay.

Si nanay na lang ang nagbibigay sa akin ng lakas para makayanan ko ang bawat pagsubok na ibinibigay sa akin.

Hindi lang siya ilaw ng tahanan, siya rin ang nagsisilbing tubig sa tagtuyot kong mga sandali sa buhay.

She always warms my heart, and heals it without even knowing.

''Anong sabi ng doktor, Sol?'' tanong ni inay.

''Okay na raw po, 'nay. Bibilhin ko na lang po itong mga kailangan mong inumin ang gamot,'' aniya ko.

Bago pa siya sumagot sa akin ay inunahan ko na siya. ''Huwag na po kayong mag-alala kung mahal po ito o hindi, sapat naman po ang perang pambili ko rito, 'Nay.''

Wala naman siyang nagawa at ngumiti na lang sabay tango sa akin. Saktong nakuha ko na rin naman ang sahod ko sa Vermont kaya may pambili na ako ng gamot niya.

Idadagdag ko na lang ang ang perang napanalunan ko kung hindi sapat ang mabili kong gamot.

Umalalay naman si Raniel sa aking inay para tulungan itong maglakad. Paika-ika pa siya dahil sa iniinda niyang sakit sa kanyang likod.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon