Chapter 22

113 1 0
                                    

TW: Suicide Attempt

I still manage to get up in bed despite not having energy to do anything right now. Kinuha ko ang cellphone ko dahil kanina pa ito tunog nang tunog. Akala ko ay messages lang ito mula kina Max at August, pero bigla na lamang sumabog ang isang tweet na may naka-post na retrato ni Caleb at Sam na magkasama. Masaya silang nagtatampisaw dalawa at kitang-kita sa mga mata nila kung gaano sila kasaya.

Rhea @Rhealine01
After that viral video of them may kumalakat na naman na retrato nila? Sa pagkakaalam ko mula sa source ko ay may girlfriend na 'yung lalaki, pero nakikipaglandian pa rin ito sa iba.

Jhelay @Jjelayrie
Malandi 'yang babaeng 'yan! Palibhasa kasi maganda lang kaya nakakakuha na simpatiya sa mga lalaki.

#bagongpilipinas Kendrix @Ken_drixx
The who? Galing daw sa mayamang pamilya si gurl, tapos may kabit din pala ang ama.

Dina @dina_chismosa02
Two timer naman pala. Malandi rin 'yung babae kahit alam niyang may girlfriend na, tapos ang babata pa pala nila.

Louevrie @ThisisnotLouvirie
Sulutera ng taon! For sure alam na ni girl ang tungkol dito dahil nag-viral na ito.

ManilaKing @Manilabottom
Maganda, mayaman, matalino pero ahas at sulutera naman pala?

#kakampink Zavina @theyluv_Zaviii
Don't even know about the girl code. Basta-basta na lang pumapatol, gosh!

Ang dami kong nababasang mga negative comments tungkol kay Sam at sinubukan ko pa na reply-an ang iba dahil binabalikatad nila ang mga totoong nangyari nitong mga nakaraang buwan. Ang iba pa nga ay pinagbabantaan ang buhay ni Sam.

Yet, I'm still worried about her. Hindi ko hahayaan na isa sa kanila ang masaktan ng dahil dito. Kaibigan niya pa rin ako at alam kong kailangan niya ng karamay ngayon...kahit masakit para sa akin.

Kahit alam kong durog na durog na ako.

Papatayin ko na sana ang phone ko ng aksidente kong mapindot ang isang app at nang magawi ang tingin ko sa screen ay napukaw ang atensyon ko dahil may isang voice record na naka-save sa phone ko.

Napabalikwas ako ng higaan ng wala sa oras at napakunot-noo.

Sa pagkakaalam ko, wala naman akong nire-record na kahit ano rito kaya paanong may five minutes and twenty-four seconds na voice record dito?

I came to a halt for a second, still processing what happened.

My eyes completely widened. Hindi kaya si nanay ang nag-voice record?!

Napatingin ako muli ako sa cellphone ko. Lumakas ang pintig ng puso ko at mas lalong kinakabahan dahil baka tama nga ang nahihinuha ko ngayon. Nanginginig pa ang daliri ko nang subukang pindutin ito. When the voice recording started to play, silence echoed throughout my room.

''Sol..."

Nang marinig ko ang boses ni inay ay doon na nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ko. Para akong dinudurog ngayon sa sakit dahil wala akong nagawa para pigilan siya sa kanyang ginawa.

Ang tanga-tanga mo Sol! Bakit kas mas inuna mong intindihin si Caleb kaysa kay Nanay? Hindi mo man lang namalayan na nahihirapan na rin pala siya sa kalagayan niya.

''Nay," mahinang sambit ko.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko.

''Sana mapatawad mo ako sa gagawin ko, Sol. Hindi ko intensyon na iwanan ka pero... habang tumatagal ay mas lalong gumugulo ang isip ko. Ayoko ng dagdagan pa ang bigat na nakapatong sa 'yo. Alam kong nahihirapan ka na rin sa sitwasyon natin, at palagi mo akong binibigyan ng rason araw-araw para mabuhay ulit. Ang gusto ko lang naman ay mabigyan ka ng maginhawang buhay at maabot mo ang mga pangarap mo. Ikaw lang ang palaging iniisip ko, anak. Ang makakabuti para sa 'yo at sa kinabukasan mo."

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon