Chapter 15

127 8 0
                                    

''I like you, Soleil. And I would still love you back even if your feelings for me will fade away.''

Muli niyang hinaplos ang aking mukha at sa pagkakataon na iyon ay mas naramdaman ko ang kanyang pagmamahal sa akin. Sa pagtitig naming dalawa ay hindi na ako kinakabahan at ang kanyang basang labi ay tuluyang dumampi sa akin.

It was soft and gently kissed.

Mainit at masarap ang bawat sandali ng kanyang halik na parang humahalina ito sa bawat parte ng pagkatao ko. Para akong bulaklak na unti-unting sumibol sa gitna ng tagtuyot at nagbigay buhay sa paligid ko para mamunga.

It was a blissful day for us, but now... I just want to distance myself. Gusto ko munang lumayo sa kanilang lahat at magkulong sa kuwarto.

Ngayon ay nandito ako sa isang waiting shed dahil nagbabadya nang bumagsak ang ulan at sa pagpatak nito sa aking balat ay isa-isang bumagsak ang luha sa aking mata.

''Akala ko ba mahal niya ako at kaya niyang pantayan ang bawat hakbang na tinungo ko para sa kanya?'' bulong ko sa aking sarili. Kasinungalingan lang pala ang lahat.

Lebleb Bantot:
Sol nasaan ka? Sagutin mo naman 'yung tawag ko, please. Alam kong naguguluhan ka ngayon at magpapaliwanag ako.

No, Caleb. You don't need to explain to me. Malinaw na malinaw sa akin kung sino ang gusto mo at tama lang na siya ang pinili mo. Mas bagay kayo. Pareho kayong matalino at magaling sa bagay na sana mayroon din ako. Ang tanga ko para maniwala na gusto mo rin ako.

Gustuhin ko man na ibato ngayon ang hawak ko, hindi ko rin ito magawa dahil ang buong sistema ko ay nanghihina na. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi na marinig pa ang muling pagtunog nito.

Sa mga oras na ito ay alam kong hinahanap niya ako kaya nanatili ako sa isang lugar kung saan ako lang ang nakakaalam. Habang naglalakad ako sa kawalan ay iniisip ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin, pero sa tuwing sumasagi ito ay parang mas lalong bumibigat ang dibdib ko.

Why does he have to torture me? May gusto naman pala siya kay Sam. I don't want to assume to much pero ss paraan ng pagtitig niya kanina ay parang mas masaya siya kapag si Sam ang nasa tabi niya.

Ang kamay ko ang nagsilbing kumot sa malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Tanging ang sarili ko ang naging sandalan ko sa malamig na panahong kailangan ko ang lalaki.

Sana sinabi niya na lang sa akin ang totoo, kaysa nagmumukha akong tanga habang pinakikinggan ang mga salita niya na hindi niya naman kayang patunayan.

''Sol...'' Agad kong nahimigan ang boses na iyon kahit malakas ang bugso ng ulan.

Sa pagtila ng luha ko ay hindi ko inaasahan ang kanyang pagdating. Nang lumapit ito sa akin dala ang payong na hawak ay agad niya akong niyakap.

''I'm here... you're safe now,'' mahimbing niyang sambit.

Hindi ko inaasahan ang kanyang pagdating.

Mas lalo akong naluha dahil ang akala ko ay nag-iisa ako... akala ko wala ng taong kayang magpatahan sa puso ko.

Mas naramdaman ko ang init ng kanyang yakap nang higpitan niya ito.

''Tahan na...'' mahinhin niyang sambit. ''Nandito naman ako para umalalay sa 'yo.''

Ang boses niya ang tuluyang yumakap sa akin para pagaanin ang loob ko. Bagay na hindi ko naramdaman kay Caleb.

Napabuntong-hininga ako. Puro na lang siya ang bukang bibig ko. Lagi na lang si Caleb ang laman ng isipan ko, samantalang si Heinz ang nasa harapan ko ngayon.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon