Chapter 40

115 1 0
                                    

"Sol..." Our eyes quickly met. "Ito lang ang maibibigay ko sa kaarawan mo, and I hope you like it," he said, his voice was soft and almost caressing my ear.

Inilabas niya ang isang malaking pulang kahon at nang dahan-dahan niyang binuksan ito, bumungad sa akin ang isang gintong kwintas—it wasn't just a simple necklace that you could buy at a jewelry store.

My eyes widened. Iyon ang unang retrato namin ni Caleb! Matagal na akong naghahanap ng mga lumang litrato naming dalawa na magkasama noon. Iilan lang ito dahil hindi pa gano'n ka-advance ang mga camera noon, pero dahil mayaman na noon pa sina Caleb, lagi silang may photographer na kumukuha ng mga retrato sa kanya tuwing kaarawan niya.

The nostalgia hit me hard. The necklace wasn't just a piece of jewelry; it was a cherished memory.

Naalala ko iyong isang movie na kung saan pwede mong balikan 'yong magagandang sandali ng iyong buhay—it was one of my core memory dahil sa likod ng retrato na 'yan ay marami pang nangyari na gusto kong balik-balikan.

As I stared at the necklace, I couldn't help but to smile. It was our picture together when he was ten years old. Birthday niya no'n at naimbitahan lang ako ni tita Mira, napilitan lang talagang pumunta dahil sayang naman 'yung maiuuwi ko sa handa.

Naaalala ko pa na ako lang ang tangi niyang babaeng kaibigan, kaya lagi kaming tinutukso ni August at iba pa niyang barkada noon na crush niya raw ako dahil lagi kaming nahuhuling magkasama tuwing uwian.

Halata pa nga ang pagiging musmos naming dalawa dahil pareho kaming may bahid ng sauce nang spaghetti dahil kakatapos lang namin kumain no'n nang biglang hatakin ni tito at tita ang kamay namin at biglang pinagtabi. Sa likod pa namin ay ang mga regalong natanggap nito sa kanyang mga kaibigan at mga dumalo sa birthday niya.

Habang ako? Ngiti ko lang daw ay okay na sa kanya. Kahit wala akong regalo, alam kong na-a-appreciate nito 'yong mga maliliit na bagay na ginagawa ko para sa kanya. It was enough for him.

"Pupusta pa ako, Si Soleil ang mapapangasawa niya," hirit ni tito Raymond.

"Ano ka ba, Raymond! Sinugal mo pa 'yung mga bata sa kalokohan mo. Basta ako, boto ako kay Soleil. Bukod sa mabait at masipag na ay maganda rin ito," anas ni tita Mira.

"Tama ka diyan, Mars. Botong-boto rin ako sa anak mo. Gwapo na matalino pa," gatong pa ni nanay.

Marahan akong lumapit sa kanya at naramdaman ko ang pagpalupot ng kamay nito habang sinusuot ang kwintas sa aking leeg.

Kahit tapos niya ng maikabit ito sa akin ay
nakatuon pa rin ang atensyon niya sa kwintas. A sif he's looking the most beautiful thing he gave to me.

"It suits you," he complimented.

I softly chucked. "Thank you," I replied and quickly gave him a gentle but firm kiss in his cheeks.

He was froze for a second, but quick recovered. Napangisi na lang

ang huli sa akin dahil sa ginawa ko at syempre sinakop ng kamay niya ang aking mukha at bunigyan ako ng isang matamis na halik. It was quick, but I can feel it even after our lips apart.

Napakagat na lang ako sa aking labi dahil sa ginawa niya. Para bang nag-iwan ito ng tamis sa labi ko na sabik na sabik akong matikman ulit.

As I held the necklace, feeling its weight and the warmth of his gesture, I realized how much this meant to me. It wasn't just about the gift; it was about the thought and love behind it, a reminder of our shared past and the youthful memories together that had endured through the years.

Maraming nagbago pero iyong samahan at pagmamahal namin ay mas lalong napagtibay ng panahon, kahit na mayroong nangyari na hindi inaashan.

It was all in the past... I should just forget those unnecessary memories, at kung may pagkakataon akong burahin ito sa alaala ko ay matagal ko na itong ginawa.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon