Iginawi ko ang tingin sa paligid habang sumisimsim ng mainit na kape. I'm now in Kingswood Café, one of the best known coffee shops here in Sydney, Australia.
Ito talaga ang una kong gustong puntahan dahil lagi ko itong nakikita sa news feed ko, kahit sa balita ay palagi ko itong naririnig. Ilang saglit lang ay dumating ang isa ko pang order na blueberry cheesecake na bagay sa cappuccino na in-order ko.
Behind the counter, is a joyful barista woman who greets each customer with a friendly smile. Naalala ko tuloy noong nagtatrabaho pa ako sa Vermont, ganyan din ang scenario sa tuwing papasok ang customer at mag-take ng order nila.
I need to smile and hide my pain. Hindi pwedeng dinadala ko sa trabaho ang problema ko sa bahay. Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa at nakitang nag-text sa akin ang isa sa mga producer ng TV show.
Cheska:
The interview will start at 10:30, please come here thirty minutes before the interview, thank you!Soleil:
Will be there at exactly 10:00 A.M, thanks!Habang nakatingin sa mga tao sa paligid ay napukaw ang atensyon ko sa isang babae na nakaupo sa tabi ko.
My eyes quickly widened when I recognized her face. Napatingin din ito sa akin at magkapareho kami ng reaksyon sa isa't-isa.
It's Sarah, one of my blockmates noong nag-aaral pa ako sa isabela.
"Ikaw na ba 'yan, Soleil?" gulat niyang sabi sa akin. "Ang ganda mo na." Umupo siya katabing upuan ko na bakante.
A gave her a hint of a smile. Inayos ko ang buhok ko at muling napatingin sa kanya.
"Salamat, Sarah." I thank her for the compliment. Pagkatapos ng ilang taon ay hindi ko inaasahan na dito ko siya makikita.
"Wow, it's been a long time na rin pala," wika niya. "Marami na rin nagbago pagkatapos ng nangyari sa inyo noon ni..."
Tila napatigil siya at hindi na itinuloy ang sasabihin. Parang nahihiya pa siya sa akin dahil hindi naman kami gano'n ka-close dalawa.
I chucked. "Okay lang, matagal na rin naman iyon. I already moved on."
"By the way, ano pa lang ginagawa mo rito ngayon? May boyfriend ka ba na kasama?" sunod niyang tanong.
"Wala pa akong boyfriend. Actually, papunta na ako ngayon sa isang interview at napadaan lang ako rito dahil lagi kong nakikita itong shop online, kaya ito agad ang pinuntahan ko pagdating ko rito," sagot ko.
"Noong nasa Pilipinas ako natitikman ko 'yung mga gawa mong pastries dahil umaabot sa probinsya namin ang mga gawa mo. Your pastries are one of my favorite! Lalo na 'yung mga unique coffee na ginagawa mo na sobrang sarap," nakangiting kwento niya sa akin.
"Salamat at nagustuhan mo rin," aniya ko. "Hindi ko na natuloy ang paggawa ko no'n dahil umalis na ako..." My voice trailed off, and I quickly halted.
Biglang bumigat ang pakiramdam ko na para bang nanumbalik ang mga sakit na naramdaman ko noon.
"It's okay, Sol. We all know what happened at naiintindihan naman kita kung bakit mo kailangan na umalis at iwanan sila." She patted my shoulder gently, trying to ease and comfort me.
"Naging usap-usapan ka rin noon dahil nawala ka na lang bigla na parang bula. Tanong nang tanong sa amin si Caleb kung nasaan ka, pero kahit kami hindi namin ito masagot," kwento niya pa. "Pagkatapos manganak ni Sam ay bumalik sila ng Dad niya sa states at doon na tumira. Hindi ko na alam ang nangyari after graduation dahil nandito na ako sa Australia, kaya wala na akong balita sa kanila."
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...