"Taray, pang miss universe ang ganda mo, Soleil! Pwede ka ng isabak sa binibining pilipinas niyan," pabirong sambit sa akin ni Lexie nang pumasok ito sa kuwarto ko.
Tumawa naman ako. "Sira! Date lang naman ang pupuntahan ko," wika ko at inayos ko ang kurba ng hitsura ko sa salamin habang pinagmamasdan ang sarili. Ang ganda ko nga!
"Wala talagang kupas ang ganda niyong mag-ina, manang-mana ka pa rin kay tita Imel," aniya pa.
Mula sa mata, ilong pati na sa tono ng boses ay kuhang-kuha ko kay nanay. Kaya nga kung pagtatabihin kami ay pagkakamalan pa na young version niya ako dahil walang mintis ang pagkakahawig namin.
I scoffed. "Ganda lang naman ang ambag ko sa date namin," natatawa kong sambit. "Kahit naman maglabas pa ako ng pera ngayong gabi ay si Eurie pa rin ang magbabayad."
That's how gentleman he is. Kulang na nga lang ay bilhin niya ang buong restaurant para lang ma-solo namin ang gabing ito.
Napakunot-noo naman si Lexie nang makita ko ang pigura niya sa salamin.
"Eh bakit hindi mo pa ulit siya sinasagot? Akala ko ba sure ka nang siya na ang pipiliin mo?" nagtatakang tanong niya.
Sa totoo lang, wala pa talaga akong balak na sagutin sya ulit, lalo pa't na nandiyan sa paligid ang isang asungot na laging nakabuntot sa akin.
"Ewan..." My voice trailed off. "Hindi pa ulit ako handa." May bahudbng lungkot sa boses ko.
May dumating kasi na asungot kaya hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ang isip ko. Pa'no ba naman kasi, parang sirang plaka lang na paulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya noong nakaraan sa akin.
"Then... I'll prove to you that I should be the one who owns your heart."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay parang natunaw ang puso ko. Kung babalik sa akin ang dating Sol, malamang ay magpapakarupok na naman iyon at magpapauto sa mga salita niya.
Pero ngayon, parang malabo pa na pagbigyan ko ulit siya. Nandito pa rin 'yung sakit...'yung kirot na nangyari noon bago ko sila iwan. Hindi naman agad mabubura sa isipan ko ang nangyari, lalo pa no'ng araw na halos magmakaawa ako sa tatay ko para lang makita ang nanay ko...na wala ng buhay.
"Sol, nandiyan na 'yung sundo mo!" umalingawngaw naman ang sigaw ni Jina nang dumungaw ito. "Kanina ka pa hinihintay oh, naiinip na 'yon sa labas."
I mentally rolled my eyes. "Teka lang, palabas na!" anas ko.
Dali-dali ko namang sinuot ang bagong bili kong stilettos. Sanay naman aking suotin ito per parang hindi ako komportable, kaya hinayaan ko na lang. Nagmadali na akong lumabas at nakita ko nga ang lalaki na nakasandal sa kanyang sedan at kung saan-saan pa ito lumilinga.
Nang dumapo ang kanyang tingin sa akin ay ginawaran naman ako nito ng malaking ngiti sa labi.
"Ganda mo," he complimented, his voice soft and genuine.
I felt a warmth spread across my cheeks and couldn't help but to smile.
Slowly, I tucked a strand of my hair behind my ear, with a shy gesture that I couldn't suppress."Thanks," I replied, my voice almost a whisper.
He stepped a little closer, his eyes meeting mine with an intensity, I can't help but hold my chest who's beating faster.
"You always look beautiful, Sol. But tonight, there's something extra special about you-more of like how gorgeous you are right now," he continued, his gaze never wavering.
I bit my lip, feeling a little bit overwhelmed.
"I guess it's also the dress, bagay ba?" I asked, smiling and glancing down to his deep set brown eyes.
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...