Chapter 20

106 0 0
                                    

How should I describe what happened on Christmas and New Year's Eve? It was a beautiful disaster. Parang kailan lang ay inis na inis pa ako sa kanya at sa nangyari sa kanila ni Sam... and now, he wants to own me.

Hindi ko mawari kung anong klaseng kabaliwan ang binibigay niya sa akin para maglaro ang mga paru-paro sa buong pagkatao ko. It was like he drugged me for no reason, and I can't even stop it. He was messing with me with his fluttery and soft words that can easily melt me inside.

''Oh, 'di ba, pak! Sabi ko sa inyo 'nay babagay 'yang dress na binili ko,'' aniya ko. ''Mura ko lang din 'yan nabili sa ukay, kaya kinuha ko na.''

I lied.

Sa mall ko talaga ito binili at palihim lang akong nagpasama kay August na bibili ako ng regalo para kay nanay. Tinulungan naman ako nito na mamili, but in the end, I bought a beautiful dress that suits her well.

'Yun bang tataas 'yung confidence ni nanay kapag nasuot niya ito dahil mukha na siyang mayaman tingnan, katulad nina tita Rose at tita Mira. I just want her to be happy on her special day at gusto ko na sa bawat ngiting lalampas sa kanyang mga labi ay ako ang dahilan ng mga ito.

''Hindi ka na dapat pa nag-abala, Sol. Salamat na rin at nagustuhan ko ang binili mong dress,'' nakangiting saad ni inay. ''Sukat na sukat nga ito sa akin, oh. Parang gusto ko ng gawing duster na lang.'' May halong pagbibiro sa tono ng boses niya kaya napahawak ako sa kanyang kamay.

I pouted. "Nay naman, sira na nga po 'yung mga damit na suot niyo, eh.''

Hinaplos niya nang marahan ang aking buhok at napatawa naman ito.

''Biro lang, Sol. Siyempre itatabi ko ito para may maisuot ako sa graduation mo. Kahit wala ng medal anak, basta't makapasa ka lang. Ayos na sa akin iyon, Sol at hindi na ako hihiling pa ng mas higit pa ro'n.''

Her words always put me in a comfortable place. Her soothing voice always wraps around me like a warm blanket on a cold rainy night.

Siya ang nagsisilbing mainit na kape sa malamig na gabi ko tuwing bumubuhos ang malakas na ulan. It's as if her warmth voice has the power to dissolve the cold that has wrapped me.

''At kapag nakatapos na po ako, uunahin ko naman po ang pangarap n'yo na magkaroon ng sarili nating coffee shop. Hindi ba't iyon po ang gusto niyo?'' kunot-noong tanong ko.

''Ang mahalaga sa akin ngayon ay makaraos tayo at kahit paano ay maging maganda ang buhay mo,'' wika niya. ''Kaya nga botong-boto ako kay Lebleb dahil alam kong kapag siya ang kasama mo, kahit wala na ako, mayroon ka pa rin na masasandalan at mayayakap.''

Mas lalo akong naluha sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung nagpapahiwatig ba siya sa akin o sadyang biro lang ito.

"Nay naman, iiwan n'yo na po ba ako?'' tanong ko. ''Sige ka, wala na pong magtitimpla ng kape niyo sa umaga, wala na rin po kayong kasamang matulog sa banig... at wala na rin pong kakanta sa aking pagtulog.''

Sa bawat salitang ito ay may kirot na pumipintig sa aking puso, kahit na ipagwalang-bahala ko ito ay hindi maaalis sa isip ko ang palaging pag-aalala sa kanya.

She hugged me tightly without uttering a single word, and I didn't hesitate to embrace her.

''Sol, tara na!'' pasigaw na tawag sa akin ni Caleb mula sa labas.

Natanaw ko naman ito nang sumilip siya sa bintana kaya agad kong pinunasan ang nagbabadyang luha sa mata. Sana hindi niya mahalatang umiyak ako.

Ngumiti ako. "Nay, Aalis na po kami. Babalik din naman po kami agad mamayang hapon.''

Hinawakan niya ang balikat ko at itinutulak ako nang marahan palabas ng aming bahay.

''Sige na, Sol. Ayos lang ako rito, mag-enjoy ka lang, ah. Huwag mong kalimutang uminom ng tubig at palagi kang magdala ng payong kapag tirik ang araw,'' bilin sa akin ni inay.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon