Chapter 21

108 1 0
                                    

TW: Suicide

I never thought that the flowers I tried to save were slowly losing their petals. Ang akala ko ay maisasalba ko pa ang munting bulaklak... pero kahit na anong gawin ko, hindi na rin pala mapapawi ng pumapatak kong luha ang patay ng talulot.

''S-Sol... w-wala na si nanay Imel mo.''

Nagsimulang manginig ang mga kamay ko, kasabay ng malakas na pintig ng puso, kaya naging pautay-utay ang lakad ko. I found myself clutching at my tightening chest, feeling its suffocating embrace, and gradually wrapping me.

Tears welled up and trickled down my cheeks. Sa bawat pagpatak nito ay para akong sinasaksak ng paulit-ulit at ang bawat karayom na tumutusok sa akin ay mas lalo pang bumabaon.

My vision grew increasingly blurry, napasandal na lang ako sa kahoy at napahinto sa paglalakad dahil sa pagkabigla. Nabitawan ko pa ang aking kinakain kanina dahil sa gulat ko nang marinig ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya.

My body felt weak, unsteady, and tensed. I could feel my heart pounding in my chest rapidly.

I gulped. Hindi ako naniniwala. Hindi magpapakamatay si nanay.

Hindi pa siya patay.

Tumakbo ako nang mabilis pabalik sa amin. Wala na akong pakialam kung sino ang taong makasalubong at makabangga ko. Patuloy lang na umaagos ang luha sa mga mata ko at sa bawat takbo ko ay gumugulo ang isip ko.

Patuloy na dinadaga ang aking puso sa kaba. Paano nga kung totoo ang kanyang sinasabi? Huminto ako sa paglalakad nang matanaw ko ang aming bahay.

My eyes widened. ''H-hindi pwede...''

There, I saw a police vehicle in front of our house. Nanginginig akong lumapit sa lalaking naka-uniporme habang may kulay dilaw na barikada na nakalagay sa tapat ng aming bahay. It was a police sign.

Nang igawi ko ang tingin sa mga tao sa paligid ay nakita ko ang mga matatandang babae na sinusubukan na lumapit sa mga pulis para malaman kung ano ang nangyayari.

They're gossiping as they glanced at me.

Lalong nanghina ang aking katawan habang pilit akong lumalapit. Nakita ko ang isang bangkay na inilalabas mula sa aming bahay, at unti-unting bumigay ang aking mga tuhod ng mapansin ko ang kamay ni inay, nakalabas ito at may bakas ng dugo.

Tears streamed down my cheeks.

"N-Nay...'' I sobbed.

Yun lang ang tanging nasambit ko habang inilalagay ang kanyang katawan sa loob ng ambulansya.

Napakagat ako sa aking labi ng madiin.

''Sol!'' Nang mahimigan ko ang boses ng lalaki ay agad na lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking balikat.

I cried. ''A-Andrew...''

Niyakap ako nito nang mahigpit at nakita ko ang kumawalang luha sa mga mata niya. ''Everything will be fine, Sol,'' he mumbled.

Mainit at magaan ang kanyang yakap pero hindi nito napawi ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nang susubukan kong lumapit sa ambulansya, hinigit niya ang kamay ko para pigilan akong sumama.

''B-bitawan mo ako. Sasama ako.'' My voice almost cracked, yet I managed to say it. ''Kailangan ako ni nanay...''

He slowly shook his head. His eyes were telling me not to push myself too hard, pero dahil sa sobrang panghihina ko ngayon ay hindi ko makalas ang kanyang mahigpit na kapit sa akin.

''Stay here...'' he muttered.

My lips quivered. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko at walang tigil itong bumubuhos habang tinitingnan ang puting sasakyan. I can't process everything right now.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon