TW: Suicide Attempt
Even if you have it worse, that doesn't mean anyone can endure their suffering as you do. At the end of the day, we are striving to survive, to live, and to be grateful for another chance each day. Learn to fight until you succeed. Dahil sa huli, sarili mo lang din ang kakampi mo sa laban na hinahanap mo sa bawat araw.
Hindi ko alam kung saan ang tutungo ngayon na narito na ako sa Maynila.
Malaking lugar pala ito at gaya nga ng sabi nila na maganda raw na manirahan dito, lalo na kapag galing ka ng probinsya at gusto mong mamuhay ng mag-isa.
I need to strive to survive. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa nang hindi na kasama si nanay. It wasn't easy for me to just leave them. Oo, masakit dahil ang bayan na kinalakihan ko ay magiging alaala na lang, at ang mga pinagsamahan namin ay unti-unting maglalaho.
Dumating ako rito na siniguradong walang kahit isa sa kanilang makakaalam na sa Maynila ang punta ko. Itinapon ko na ang sim card ko at nag-delete ng mga accounts sa social media para hindi na nila malaman pa ang kinaroroonan ko.
Dala-dala ang perang iniwan ni nanay sa akin ay naghanap ako ng studio type na bahay na kasya lang sa aking pera at kailangan ko pang pagkasyahin ang kalahating milyon na iniwan niya sa akin.
Kung hindi ako nagkakamali, lagi kong nakikita na pumupunta si Andrew sa bahay namin ng palihim at may inaabot ito kay nanay na sobre. Sigurado akong ang kalahati ng perang iniwan niya sa akin ay galing sa mga palihim na pinapadala ni Andrew sa amin.
Pero... hindi ito ginamit ni nanay para gumaan ang buhay naming dalawa. Gusto niyang gamitin ko ito sa tama...at ngayon napagtanto ko na ako pa rin ang iniisip niya sa huling mga sandali niya.
Naghanap ako ng mapapasukan na trabaho malapit sa tinitirhan ko ngayon. Kasama ko sa iisang bubong ang may-ari ng bahay at ang tinitirhan ko pala ay dating boarding house kaya maraming bakanteng mga kuwarto sa katabing bahay, habang isang studio type naman ang nirentahan ko sa kanya.
"One month advance, one month deposit. Alam mo naman siguro ang patakaran dito, hija?" tanong sa akin ni Ate Amelia, ang may-ari nitong paupahan.
"Opo, salamat po," aniya ko pagkatapos ibigay ang bayad sa renta. Mabilis din itong umaalis dahil may inaasikaso pa siya.
Mayroon siyang karinderya sa tapat ng bahay kaya palaging aligaga kumilos ang matanda. Sakto naman dahil hindi ko na kailangan pang lumayo kapag gusto kong bumili ng ulam dahil nasa tapat lang ito.
Habang nag-aayos ako ng gamit ay biglang pumasok ang isang babaeng kasing edad ko lang. Hanggang balikat ang kanyang buhok, mestiza at mukhang estudyante rin siya gaya ko base sa uniporme na suot niya.
"Jina Delo Santos nga pala," pagpapakilala niya. "Nanay ko pala ang may ari ng bahay na ito, pati na 'yung bed space sa kabilang bahay."
Ngumiti naman ako sa kanya at kinamayan siya. "Ako nga pala si Sol, bago lang ako rito at galing pa ako ng probinsya namin."
"Ay, oo nasabi rin sa akin ni nanay kanina," she beamed at me.
"Malayo pa nga ang binyahe mo kaya mukhang pagod ka pa."
Mapait akong ngumiti sa kanya ng marinig ko ulit ang salitang nanay. Tila bumibigat na naman ang dibdib ko sa tuwing naalala ko ang nangyari. Wala pa rin kasi akong alam kung saan siya inilibing dito sa Maynila, at alam kong sinigurado nilang hindi ko mahahanap ang puntod ni nanay.
Gano'n kasama ang ugali ng tatay ko.
Bago pa man makaalis ang babae ay napalingon ulit ito sa akin at tila napakunot-noo.
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...