It's already quarter to four and I'm just standing here at the counter of the shop. Wala naman akong masyadong ginagawa at pinagmamasdan ko lang ang paglilinis ng mga staff, kahit ang pagliligpit nila ng mga kalat at dumi sa mga upuan.
I heaved a deep sigh for the nth time.
Minsan mas pipiliin ko na lang na maraming ginagawa buong araw, kaysa naman lumilipas lang ang oras na nakatunganga lang ako rito.
Halos paubos na nga rin ang mga customer na nandito ngayon, samantalang kaninang umaga ay halos puno ang mga tao rito kaya kaliwa't kanan ang kilos namin. Muntik pa akong malito sa dami nila kaya agad akong nagpatulong kay Jina.
May mga ilan pang nag-take-out na lang dahil wala ng bakanteng upuan. Mukhang kailangan ko na talaga palakihin ang shop na ito, lalo na't maliit lang itong lugar. Hindi pa nga aabot sa isang daang tao ang pwede rito.
Napabuntong-hininga naman ako ng makita ang lalaking papasok ngayon.
"Nandiyan na 'yung sundo mo," asar sa akin ni Jina.
I mentally rolled my eyes "Anong sundo? Atsaka, wala naman akong manliligaw ngayon, baka ikaw ang hanap niya, Lexie?" I muttered and scoffed.
"Definitely not me," pagdepensa niya habang nakataas pa ang dalawang kamay na parang sunusuko ito.
Jina's lips quickly curved. "Sus, bumubwelo ka pa! Alam naming ikaw lang ang gusto niya. He's not a typical man who can easily fall for any woman out there, at mukhang iisa nga lang ang gusto niya-at ikaw 'yun, gaga!" anas niya at mabilis na umakyat sa ikalawang palapag dala-dala ang mga kahon na hawak niya.
Inarapan ko naman siya at humalukipkip na lang.
"Harapin mo na. Baka may umagaw pa r'yan, sige ka," hirit pa nga ni Lexie.
"Ma'am Sol, hinahanap po kayo ng boyfriend niyo!" sigaw ni Gio, isa sa mga staff namin.
Napapikit na lang ako at huminga nang malalim bago hinarap ang lalaki ng nakangiti.
"Hinihintay ka na raw, gurl. Bilisan mo, dali!" May bahid ng tuwa ang boses ni Lexie at itinulak ako papalapit sa lalaki.
Nang magkaharap kami ay nagtagpo naman ang mga mata namin. At gaya noon, maa bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nandiyan siya sa harapan ko.
"A-akala ko ba may tinatapos kang project sa Isabela?" nauutal kong tanong.
Tumango naman siya. "Yes, pero pinagpaliban na muna namin ng isang araw dahil nagkaproblema lang, but everything is fine," he stated. "Atsaka, pumunta ako rito ngayon para sana yayain ka. Gusto mo bang sumama?"
Napakunot-noo ako. Ano naman kaya ang pumasok sa isip niya at biglang nagdilang-anghel siya?
Is it about what happened yesterday?
Kahit na busy siya ngayon ay gumagawa pa rin talaga siya ng paraan para lang makita ako at makasama kahit gaano pa kami kalayo sa isa't-isa. Mabuti na lang at wala si Eurie ngayon dahil mamaya pa naman ang uwi niya.
He's busy with his clients at sigurado akong mahirap abalahin ang lokong 'yon.
"Saan naman tayo pupunta?" kunot-noong tanong ko kay Caleb.
Nasa loob ako ng sasakyan niya dahil agad ako nitong hinila palabas ng shop. Hindi na nga ako nakapagsalita pa. Wala rin naman akong magagawa kung hindi ang sumama sa kanya, kaysa mabulok ako sa kinauupuan ko sa shop.
Pagsakay ni Caleb ay ginawaran naman ako nito ng isang ngisi at tinulungan pa akong ilagay ang seatbelt ko kahit kaya ko naman ito. Making his move, I guess?
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
Storie d'amoreSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...