"Baliw ka talaga! Bakit mo naman ginawa 'yun?" bulalas sa akin ni Jina nang makapasok kami sa shop.
Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Caleb noong gabi na 'yon, pero hindi ko na isinama pa ang nangyaring pambabastos sa akin dahil alam kong matindi sila kung mag-alala sa akin-lalo na si nanay Amelia.
I rolled my eyes after I put down my things. Hinarap ko naman ang babae pagkatapos bumuntong-hininga.
"Hayaan mo na siya, lilipas din 'yan at makakalimutan niya rin ako," saad ko at halata naman na labas sa butas ng ilong ko ang mga sinabing iyon.
Makakalimutan niya rin naman ako kung hindi na kami magkikita ulit at itutulak ko siya ng palayo sa akin. It's the best thing that I can do-to finally moved on to my life without them. Kahit alam kong pati ako ay masasaktan dahil sa gagawin ko.
I heaved a deep sigh. Bakit pa nga ba siya bumalik? Is it because he still loves me or he needs me again?
Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit niya piniling pumasok ulit sa buhay ko. It was as if nothing happened, like those scars are just my dark imagination that can easily be erased.
I quickly shrugged my shoulders to sweep away my negative thoughts. Pinitik naman ng babae ang noo ko nang lumapit ito sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tanga! Nakaukit na pangalan mo sa puso niyang lalaking 'yan, kaya pa'no ka niya makakalimutan agad, aber?" Jina muttered. "Atsaka, paano naman ang bebe Eurie mo? Hindi mo na ba talaga siya mahal? Basted na, gano'n?"
I let out a huge sigh. "Hindi ko na rin alam, Jina..." My voice trailed off. "Naguguluhan na ako kung anong susundin ko."
Mali ba na nagmahal ako ulit kahit na alam kong may tiyansang bumalik 'yung lalaking dumurog sa akin?
Napabuntong-hininga naman ang babae sa harapan ko. "Kung ako sa 'yo, mas maiging sabihin mo na agad kay Eurie na wala ka na talagang gusto sa kanya. Para hindi na siya umaasa pa na magkakabalikan ulit kayo. Break the chains at huwag mo ng patagalin pa," aniya. Tinapik niya pa ang balikat ko bago tuluyang buksan ang glass door ng shop.
Palihim na lang akong napakagat nang ibabang labi ng maalala ko ang nangyari sa amin ni Caleb no'ng gabi na 'yon.
"I know you're still mad at me-of course, I fucking hurt you, Sol. Mali ako na hindi kita pinagtutuunan ng pansin at binalewala ka noong panahon na kailangan mo ako. I'm blaming myself for everything because I lost you...and now, I'm still hoping for your forgiveness, pero mukhang malabo na 'yon..."
Isang linggo na ang nakalilipas pero hindi pa rin nagpaparamdam ang lalaki sa akin, kaya panay ang sulpot ni Eurie sa shop at walang kaagaw sa akin. Buti na nga lang ay wala si Lexie, kung hindi ay baka nabungangaan na naman siya nito dahil pabalik-balik siya.
Kahit may pasok kasi siya ay hindi niya nakakalimutan na daanan at kamustahin ako tuwing umaga, bago ko ibigay sa kanya ang order niyang kape.
Araw-araw na siyang bumibisita rito at kulang na lang ay dito na rin siya tumira sa shop namin. Kahit nga magsasara na ako ay nandito pa rin siya at tumutulong sa mga staff para maglinis at magligpit.
Halata namang bumabawi ito sa akin pero hindi niya kayang sabihin ito ng harapan.
"Still mad at me?" mahinhin na tanong sa akin ni Eurie habang nakaupo kaming dalawa at marahan niyang hinahaplos ang kamay ko.
I shook my head and smiled. "No, it's okay. Naiintindihan ko naman ang nangyari, Eurie. And I also appreciate everything you did for me," aniya ko. Alam kong hindi sapat ang pasasalamat ko sa kanya, but that's the least thing that I can do.
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
Storie d'amoreSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...