Abot-langit ang ngiti niya habang kumakain ng spaghetti sa harapan ko. It's the deal that I've made at ako pa nga ang talo sa sarili kong laro. Kung sana'y nag-review lang ako kagabi mataas sana ang nakuha kong score.
''Ang daya mo! Sabi mo hindi ka nag-review,'' reklamo ko kay August. I crossed my arms and furrowed. Katabi ko lang si Caleb na nakapamulsa pa habang tinitingnan lang kaming dalawa.
Humalakhak pa ang huli habang kumakain. ''Sana kasi nag-review ka rin para hindi itlog ang nakuha mo,'' anas niya.
I was about to throw him a punch nang pigilan ako ni Caleb at isinubo sa aking ang isang piraso ng french fries.
''Eat when you're stressed. Para hindi laging nagsasalubong 'yang mga kilay mo,'' saad ni Caleb sa 'kin para pakalmahin ako.
''Bilisan mo kumain at may pasok pa ako ngayon sa Vermont,'' pagmamadali kong sabi kay August.
Tinarayan lang ako ng huli at nagpatuloy lang ito sa kanyang pagkain. Imbis na bilisan ay mas lalo pa akong nainis dahil binagalaan niya talaga ang pagkain niya ng manok, kaya nakatikim siya ng malakas na batok sa akin.
''Kaya ka hindi nagkakaroon ng jowa eh,'' bulalas ko. ''Ang hilig mo pang mang-inis.''
''As if namang may nagkakagusto rin sa 'yo?'' rebat niya pa.
''Both of you are so childish, pwede bang bilisan n'yo na lang kumain at nang makaalis na tayo rito agad,'' naiinip na sabi Caleb.
Napatikhim naman kaming dalawa ng siya na ang nagsalita.
Mukhang bored na rin ang loko dahil hindi naman ito bumili ng pagkain niya. In the end, we shared what we have. Tig-kalahating manok kami at hati-hati pa sa dalawang coke na in-order namin. Pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanila dahil may shift pa ako ngayong hapon sa Vermont Café.
Gusto pa sana akong ihatid ni Caleb pero tumanggi ako dahil alam kong may mahalaga siyang kailangang puntahan ngayon. They have family dinner later at base pa lang sa kanyang ekspresyon ay mukhang ayaw niyang sumama.
''Ako na nga ang maghahatid sa 'yo, ayaw mo ba?'' pangungulit niya pa. Naglalakad kami ngayon at matirik pa ang araw kaya naman naglabas ito ng payong.
''Kaya ko na nga, malapit lang din naman iyon at isang sakay lang dito,'' sagot ko sa kanya. ''Mauuna na 'ko.''
Nang may pumarang jeep ay agad akong sumakay. Hindi rin nga kalayuan ang café kaya on-time akong nakarating at papasok ko pa lang ay sumisilay na agad ang ngiti ng babae sa harapan ko.
''Anteh, alam mo na ba?'' bungad sa akin ni Lexie habang nagsusuot ako ng apron.
Mahalaga kasi na lagi kaming nakasuot nito kahit may sarili na kaming uniform para na rin sa safety standards dito sa café.
Nang lumingon ako ay bakas pa rin ang ngiti sa labi niya. Ano na naman kaya ang nakain niya at sobrang saya niya ngayon?
''Ano na namang chismis, aber?'' nakapamewang kong tanong.
''Hinahanap ka kahapon ni Sir Heinz, dumaan ulit siya kahapon dito pero mukhang malungkot siya dahil hindi ka niya nakita,'' kuwento niya sa 'kin.
Galing siya rito kahapon? Ano naman kaya ang pakay niya sa 'kin at bakit niya ako hinahanap?
''Bakit niya naman ako hinahanap?'' I asked.
''Malay ko, pero mukhang na love at first sight ata sa 'yo si sir,'' she giggled at hinampas pa ako nito sa aking balikat. ''Ang haba talaga ng hair mo, girl!''
''Ewan ko sa 'yo! Magtrabaho na nga lang tayo," asik ko. I just heaved a sigh and continue my usual routine here.
Marami ang dumagsang mga customers ngayong araw, hindi ko alam kung bakit pero kahit si Lexie ay nagulat din. Absent pa naman ngayon si Gio, isa sa mga staff namin, kaya kami lahat nag-asikaso ni Lexie sa mga order nila.
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...