Everyday I constantly remind myself that flowers only bloom in different seasons—just like love. You won't easily find someone who genuinely loves and cares for you. And even if you push him away, he will always find a way to make you feel their presence and that he'll always be by your side.
That he can always be available no matter how busy he is. A man who is one call away. Throughout the years spending my life holding the label of 'friends' I realized that he's more than a friend to me. Oo at alam kong hulog na hulog ako sa kanya simula pa lang ng maging magkaibigan kaming dalawa.
Boyfriend Material—that's how I would describe him. His standard was so high to find a perfect woman who can capture his attention. Alam kong hindi siya madaling mahalin, bukod kasi sa medyo immature siya paminsan-minsan ay matampuhin din ito. Kaya kahit na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya ay hindi niya pa rin mahanap ang babaeng para sa kanya.
''You don't have to, Sol. You don't need to shoulder their burden—risking losing yourself in the process. I don't want to witness you in tears again due to the weight you constantly bear. You need me, Sol. And I need you to always be here.''
Muling sumagi sa isip ko ang sinabi niya sa akin. Mahigit dalawang linggo na rin pala ang lumipas pero hanggang ngayon ay pabalik-balik sa isipan ko ang sinabi niya sa akin no'ng gabing iyon.
''I will always be by your side when you need my help. Please...Sol, don't drown yourself and ask for help when you need it. Alam ko ang kalagayan n'yo ni tita ngayon lalo pa't nababaon na rin kayo sa utang. I already told to my mom about it at handa rin siyang tumulong, pati na sa pag-aaral mo.''
He was always concerned about me. And always asking if I'm okay or do I need his help in our project or homework. Parati siyang nandiyan kapag kailangan ko siya.
But who will be there for him when I'm not around?
I'm just his friend...hanggang doon lang 'yon. I wouldn't cross or break the boundaries I have built for many years dahil pagkakaibigan namin ang nakasalalay rito at ayokong masira lamang ito ng dahil sa nararamdaman ko sa kanya.
After that conversation, I can't utter a single word. Napasandal na lang ako sa kanyang dibdib dahil sa pagod ko no'ng araw na iyon and I can't remember anything after that. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga nang imulat ko ang mga mata ko, at napagtanto ko na nawalan ako ng malay dahil sa pagod no'ng gabing iyon.
Sabado ngayon at wala akong ginagawa kaya naman pumunta ako sa Vermont, bukas ito ngayon pero hindi sila tumatanggap ng customer dahil may inspection na magaganap bukas. Buti na lang ay nasa shop ngayon si Lexie at abala sa inventory, siya kasi ang nakatoka rito at napansin kong marami itong ginagawa ngayon kaya naman tumulong na ako sa kanya.
''Kaya naman pala panay ang hatid-sundo rito sa 'yo ni Caleb dahil ayaw niyang umuuwi ka mag-isa ng walang kasama,'' panimula ni Lexie nang ilapag niya sa mesa ang basong may lamang kape habang hinahalo pa ito.
''Oo, halos dalawang linggo na rin. Gusto ko na nga siyang patigilin dahil kaya ko naman na, pero masyado pa rin siyang mapilit,'' wika ko.
Ewan ko ba sa lalaking 'yun kung anong sumaping mabuting espirito sa kanya at ginagawa niya ito sa akin. At sa tuwing ihahatid niya ako at magpapaalam na para umalis ay hindi ko maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
It was like I wanted him to stay longer. To stay for a while. Parang may nakabarang tinik sa lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita. I just smiled and wave back to him, saka pumasok sa shop.
''Ibig-sabihin ba nun may namamagitan sa inyong dalawa?'' pilyong tanong niya. Inilagay pa nito sa gilid ang mga kape namin pati na ang croissant na palibre niya sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...