"Ang lampa mo naman! Tapos iyakin ka pa kapag natalo ka," inis na sabi ng kaibigan nitong lalaki at umalingawngaw ang kanilang boses sa tapat ng bahay, kaya napadungaw ako sa bintana ng wala sa oras.
Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang babaeng gusgusin ang hitsura. Magulo ang kanyang buhok, madungis ang mukha, may kaputian din naman siya at iyong mga mata niyang kulay tsokolate na laging pumupukaw sa akin.
Lagi ko siyang nakikita sa labas na nakikipaglaro, pero mukhang mapang-asar lang ang mga lalaking kalaro nito at lagi siyang inaaway.
Nandito lang ako at nakatungkod sa sofa namin at pinagmamasdan na maglaro ang ilang mga batang katulad ko na mga nagtutumbang preso o hindi kaya ay naglalaro ng piko at nagpapaligsahan kung sino ang mananalo sa makapal at maliit na parihabang hawak nilang papel.
"Pfft, bakit pa kasi nakikisali sa mga laro ng panlalaki, eh babae siya," sabat ni August nang dumako rin ito sa bintana namin at tumabi sa akin.
Kumunot ang nooo ko. "Kilala mo siya, pango?" I averted my gaze at him.
He shook his head. "Hindi, pero palagi kong nakikita 'yung nanay niya na nakikipag-usap kay mommy at mukhang magkakilala rin sila ni tita," sagot niya. Mabilis din naman itong bumalik sa panonood niya ng Detective Conan sa TV namin.
Mas malaki pa nga 'yung TV sa bahay nila pero lagi siyang nakatambay rito. Ayaw niya raw kasing manood mag-isa roon dahil wala naman siyang kasama bukod sa mga yaya niya na palaging nag-aasikaso sa kanya.
Lagi ko rin nadadaanan ang babae sa tuwing lalabas ako para bumili. Hindi ko ito pinapansin, pero alam kong lagi siyang nakatingin sa akin at ngumingiti kapag nakikita ako.
Bumabawi rin naman ako ng ngiti pero hindi ako nakikipagkaibigan sa kanya o kinakausap. Alam ko naman sa sarili na palaging napupukaw ang atensyon ko sa kanya sa tuwing lalabas ito ng bahay at makikipaglaro.
I wanted to befriend her but... I don't have the courage to take the first move. Bumibilis kasi ang tibok ng puso ko sa tuwing magkakalapit kaming dalawa.
"Caleb, dito ka na! Susunod na 'yung paborito nating Doraemon," tawag ng lalaki sa akin at lumawak naman ang ngiti sa labi ko.
Days past by, pauwi ako galing sa eskwelahan nang makita kong umiiyak ang babae habang nakaupo na lupa at nabalutan ito ng maruruming buhangin sa kamay at paa. Napansin ko pa ang pagsigaw ng kalaro nito sa kanya na palaging kumukutya sa babae sa tuwing naglalaro sila.
Bakit pa kasi siya nakikipaglaro kung ayaw naman nilang kasali siya?
"Gusgusin ka kasi! Lampa ka na nga, sumasali ka pa," kutya ng lalaking kalaro niya.
Nakatingala lang ang babae sa kanya. Nanginginig pa ang mga labi at kamay nito.
"Maghanap ka na lang ng ibang kalaro mo. Sasali ka pa ang dumi-dumi mo na nga!" sabat nung isang pandak na babae.
"Lampayatot ka, huwag ka ng sumali!" pagtaboy pa ng isang lalaki sa kanya.
Hindi na ako nakapagtimpi pa dahil araw-araw kong nakikitang inaapi nila ito, kaya laging may sugat ang babae sa katawan niya. Nang lapitan ko sila ay napaatras ang mga lalaking kumukutya sa kanya at nagulat nang dumating ako.
Nakita kong may panibago na namang sugat ito sa kanyang tuhod.
"T-tara na, hayaan na natin siya," sabi nong pandak na lalaking kumutya sa kanya at nagsimula silang magtakbuhan palayo at iniwan ang babaeng umiiyak.
Mas matangkad kasi ako sa kanila kaya hindi nila ako kayang patulan. Nang ipukol ko ang masamang tingin sa lalaki kanina ay bakas ang takot sa mata niya kaya napaatras ito.
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...