''H-hindi kita nasundo, sorry...''
Nakatayo siya ngayon sa harapan ko habang marahang pinipisil ang aking kamay. Hindi ko alam kung tanga ba ako o sadyang bobo para pairalin ang puso ko na paulit-ulit siyang patawarin sa mga nagawa niya.
I mentally laughed. Masyado kang marupok, Soleil baka pagsisihan mo na naman 'yan ulit.
Sa huli, ako pa rin ang palaging talo.
Alam ko naman na may gusto siya kay Sam at hindi ko na kailangan pang ipagdikdikan ang sarili ko sa kanya para lang piliin niya 'ko.
He can choose the woman he wants to love, and I would never hinder his life.
My heart is still heavy with unspoken emotions—like rains flushing me down to the sea of regrets. Pagsisihan ko ang bawat salitang lalabas sa aking bibig, kahit pa iyon ang makakabuti para sa aming dalawa.
If I loved him, it's easy for me to allow him to pursue his happiness, even if it means facing my sorrow.
Napabuntong-hininga na lang ako.
''Ayos lang, nandiyan naman si Heinz. Dumating siya para sunduin ako...kahit malakas na ang ulan. He was there for me, kahit na hindi naman siya ang inaasahan kong darating,'' malamig kong sambit.
He pinch my hand softly.
''Nagtatampo ka pa rin ba?'' mahinang tanong niya.
''I'm...sorry, Sol.''
Oo, Leb. Nagtatampo pa rin ako sa 'yo! Kahit isang beses ay hindi mo ako naalala, maybe because I'm not your priority...sino nga ba ako sa 'yo?
'Yan ang gusto kong sabihin sa kanya, pero wala akong lakas na sabihin ito ngayon. Sa pakikipag-usap ko pa lang sa kanya sy nauubos na agad ang lakas ko.
Napakagat ako sa ibabang labi, sinubukan na huwag kumawala ang luha sa aking mga mata.
''M-may klase pa ako, Caleb,'' mariin kong sabi. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at diretsong nilagpasan ang lalaki.
My heart pounded faster with every step as I walked away from him. I could still feel his presence behind me, sensing his shadow lingering close, confirming that he was following me.
He was quietly walking behind me and not uttering a single word.
Hanggang sa makarating na ako sa eskwelahan, hindi ko na naramdaman pa ang kanyang presensya at nang lumingon ako bago umakyat ay wala na ito. Muntik pa akong madulas kakalingon ko para tingnan siya ulit.
Nahagip pa ng aking paningin ang kanyang paglalakad patungo sa kabilang building, hanggang sa nawala na ang pigura nito.
I sighed. Lilipas din ito, Sol.
Papasok na sana ako ng silid nang marinig kong may tumatawag sa akin, kaya napalingon ako. Bumungad sa aking harapan ang head Chef namin sa cookery club na si Ms. Geneva.
Malungkot ang naging ekspresyon sa kanyang mukha ng makaharap ko ito. Hindi tulad no'ng nakaraan na galak na galak ito dahil may balita siyang dala sa akin.
''Chef, napadalaw po kayo,'' masayang sambit ko.
''Sol, they already heard about what happened at nakarating ito sa direktor. They want me to give you this,'' diretsa niyang sabi at Ibinigay sa akin ang isang puting sobre. ''I'm sorry to tell you this, Sol, but they take down the scholarship because of that viral videos, which your name was involved... labag iyon sa kontrata na pinirmahan mo sa kanila.''
It almost punched my heart.
Parang ilang segundo na huminto ang mundo ko sa kanyang sinabi. It's like I lose someone, without even fighting for.
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...