''May pupuntahan kami bukas, Sol. Sama ka ah?'' pag-aya ni Caleb.
''Saan?'' tanong ko, abalang nagbabasa ng libro at tiningnan siya.
''Basta. Malayo sa bayan iyon at sigurado akong hindi mo pa napupuntahan ang gano'ng lugar.''
Tumango na lang ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa aking binabasang libro.
Nandito kami ngayon sa library at nag-aaral. Oo, kailangan naming mag-group study dahil itlog ang nakuha nilang score sa differential. Hindi kasi nila maintindihan 'yung mga formula kaya naghahanap sila rito ng librong makakatulong sa kanila.
''Ba't hindi pumapasok si Sam? May sakit ba siya?'' tanong ni August. Umupo ito sa harapan ko pagkatapos maghanap ng librong babasahin. ''Wala ka bang contact sa kanya, Sol?''
Huminga ako ng malalim. Hindi talaga ako matatapos sa binabasa ko kung sila ang kasama ko. Ang daldal kasi kahit nasa library na kami.
''Mayroon naman, pero hindi niya nga rin sinasagot 'yung text ko eh,'' sagot ko.
''Busy siguro. Papasok din 'yon bukas dahil maghahanda kami para sa mock debate namin bukas.''
Oo nga pala, Biyernes na ngayon at ilang araw na lang ay aalis na sila. Ako naman, may interview din sa linggo. Kinakabahan na ako dahil hindi ko alam kung sino ang makakaharap ko, hindi ko kilala ang lalaking nasa business card pero malaki raw ang maitutulong niya sa akin.
Pagkatapos naming magbasa ay bumalik na ang dalawa sa architecture department dahil may klase pa sila at naiwan na lang akong mag-isa sa library. Mamaya pa ang klase ko at hindi rin naman ako dadaan sa bahay pag-uwi dahil may trabaho pa ako sa Vermont.
It was a tiring day at gusto ko na lang magpahinga ngayon. Sobrang daming customers ang dinumog kami kanina dahil nag-post ang owner sa social media about sa Vermont Café, kaya maraming tao ang naenganyo na pumunta.
''Sol, bakit ginabi ka naman yata ng uwi?'' nag-aalalang tanong ni inay.
''Marami lang pong inaasikaso, 'nay. Dinumog po kasi kanina ang shop kaya nag-overtime ako,'' walang ganang sagot ko.
Nanlaki naman ang mata ko sa gulat ng biglang tumayo si Caleb at lumapit sa akin. Anong ginagawa niya ng dis-oras ng gabi rito?
''Magpahinga ka na muna, Sol. Ako na ang bahala kay tita sa pagtulong sa kanyang magbalot ng bibingka,'' wika ni Caleb.
''Kaya ko pa naman. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo.'' walang buhay ang aking boses. Bumabagsak na ang talukap ng mata ko dahil sa pagod at gusto ko na talagang makapagpahinga.
He smiled. ''Ayos lang, nagpaalam naman ako.''
Tumango na lang ako sa kanya bago pumasok sa kuwarto ko at isinalpak agad ang aking katawan sa matigas na higaan.
Dala ng sobrang pagod, hindi ko na namalayang nakasuot pa ako ng uniporme nang makatulog ako. Nang maimulat ko ang mata ko ay tumama ang sinag ng araw sa aking mukha dahil binuksan ni Caleb ang puting kurtina.
Napabalikwas tuloy ako sa aking higaan ng wala sa oras.
''A-anong ginagawa mo rito?'' nauutal kong tanong, nagkakamot pa ako sa aking mata.
''Rise and shine. Aalis tayo ngayon, Sol. Bumangon ka na riyan,'' wika ni Caleb.
Aalis? Wala namang—shit! nakalimutan ko nga pala. Sabado ngayon at nakaligtaan ko ang kanyang sinabi kahapon dahil marami akong ginawa.
Umupo siya sa tabi ko at sumilay ang pilyong ngiti niya. 'Wag mong sabihin na nakalimutan mo?''
Lumalakas ang tibok ng puso ko dahil masyadong malapit ang aming mukha sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...