I sighed. "Ang malas ko yata ngayon."
"Hindi talaga kumukupas 'yang ganda mo, Soleil. Pinag-aagawan ka pa rin ng dalawang lalaki," natatawang sabi ni Lexie habang nakapalupot ang kamay niya sa braso ko.
"Pero si Eurie naman ang katapat niya ngayon at hindi na 'yung dati niyang gwpaong suitor," aniya pa ni Jina.
Napakachismosa talaga ng mga 'toh!
"At kanino mo naman nalaman ang tungkol kay Heinz, aber?" nakapamaywang kong tanong.
Kung ano-ano na yata ang kinukwento sa kanya ni Lexie kapag magkasama silang dalawa. Tsk! Akala ko ba trio kami?
Piliyong ngumiti sa akin ang babae bago bumalik sa counter. "Secret."
Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya, pero agad din iyong nawala nang makita kong nag-uusap ang dalawang lalaki habang nakaupo sa dulong lamesa at mukhang seryoso pa yata silang nag-uusap dalawa.
Kadarating lang din ni Eurie dala ang kanyang Audi R8 Coupe na kotse. Bagong bili niya lang ito at ngayon ko lang nakitang inilabas niya ang ganyang kotse dahil 'yung binigay ng Dad niya ang palaging niyang gamit—Iyong ginamit namin papuntang isabela.
Ano naman kaya ang trip nitong dalawa?
Kahit wala ako sa mood ngayon ay nginitian ko ang dalawa at lumapit sa kanila. Ngumiti naman pabalik sa akin si Eurie at halos lumubog ang dalawang dimples nito sa kanyang mukha na lalong nagpagwapo sa kanya, samantalang tipid na ngiti naman ang ibinawi ni Caleb.
"Did you eat na ba, Sol?" tanong ni Eurie.
Umiling ako. "Hindi pa nga eh, busy pa kasi ako at ang dami pang customer ngayon, tapos kailangan ko pang mag-pack ngayon dahil maraming um-order online. Ako lang ang nag-aasikaso nitong lahat."
"Do you want me to help you? May free time naman ako this week, kaya okay lang sa akin," aniya. "Alam mo naman, basta ikaw lagi akong available." Lumawak naman ang ngiti sa labi niya.
Nang balingan ko ang isang lalaki ay nakita ko ang pag-irap nito pero pinagwalang-bahala ko lang.
I smirked secretly. "Sorry, Caleb, hindi na kami nagtitinda rito ng hollow blocks, out of stock na kasi," I muttered, sarcastically.
Tipid pa akong ngumiti sa kanya pero hindi naman bumakas ang inis sa mukha niya at mukhang natawa pa.
I mentally rolled my eyes. May gana pa rin pala talaga siyang pumunta pa rito kahit sa Isabela siya nakadestino ngayon. Of course, he will make a way just to see me.
He will never twist me again with his flowery words, and those deceptively sweet promises of him that once fluttered like butterflies in my stomach.
Ayoko ng maulit pa ang nangyari noon.
It's better if we distance ourselves. Bakas kasi kapag nahulog na naman ako ay sarili ko lang din ang sasalo sa akin sa dulo, at magiging sandalan sa tuwing mag-isa ako.
Narinig ko pa ang malakas na pag-igik ni Eurie sa tabi ko at napahawak pa siya sa kanyang bibig para pigilan ang pagtawa.
"I'm just here to see you... hindi ba pwede?" he seriously asked.
"It's been seven years, pero hindi ka pa rin pala nagbabago." Kumawala pa ang mahinang tawa sa kanya.
"Matagal na akong nagbago, Caleb," sagot ko. Matagal na simula noong iniwan ko kayo ni August at nagbagong buhay para lang makalimutan kayo.
But... now, why does my mind tells me to distance myself to him? While my heart is longing for his touch, presence and voice.
Iba ang sinasabi ng puso at isip ko kaya mas lalo akong naguguluhan.
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...