I smiled as I bit my lower lip.
Kagabi pa ako hindi makatulog ng maayos dahil si Caleb lang naman ang laman ng isip ko buong gabi. I even pushed my cheeks using my both hands to stop myself from smiling, as the butterfly wandered around my stomach.
Halos magpapadyak ako ng aking paa at paglikot ng aking katawan sa kama. Ang mga ngiti sa labi ko ay hindi na matawaran. Parang abot langit na nga eh. Nakurot pa nga ako ni inay sa tagiliran dahil masyado raw akong maingay kagabi.
Malakas na talaga ang tama ko sa kanya.
''Sol, ano naman 'yang hawak mo?'' tanong ni inay nang makalabas ako ng kuwarto. ''Atsaka saan naman ang punta mo ire? May ka-date ka ba ngayon?''
''Wala po, 'Nay. Gusto ko lang mag-ayos ngayon kaya nagsuot po ako ng pulang bistida. Bagay po ba sa 'kin, 'Nay?'' Umikot pa ako sa kanyang harapan na parang isang prinsesa.
''Syempre naman, mana ka sa 'kin eh!'' aniya. Kinurot pa nito ang aking pisngi.
''Kaya sa 'yo ako 'nay eh. Magaganda talaga ang lahi natin,'' pambobola ko pa. Napakagat muli ako sa ibabang labi habang hawak ang kwintas na iniregalo sa akin ni Lebleb.
Binili niya ito noong nakaraang sabado nang magpunta kami sa mall at sa hindi inaasahan ay nagawi rin pala ro'n si August, pero natawa na lang kami kasi nakita namin siyang kasama si Maxine.
Para tuloy kaming may double-date with matching awkward sa isa't-isa.
Binata na talaga ang anak ko. Marunong nang mang-akit ng babae para mahulog ang puso nito sa kanya.
Siyempre ako nagturo sa kanya kaya mana 'yan sa 'kin eh.Pango:
Hoy! Atin-atin lang 'yun ah! Baka naman ipagkalat mo pa sa buong engineering dept namin. Patay ka talaga sa 'kin!My lips formed a grin as I read his text. 'Yan kasi landi-landi nahuli tuloy kayo sa aktong dalawa.
Pandak:
Oo na, hindi ko naman ipagkakalat 'yun. Atin-atin lang lang talaga 'yon. Cross my heart pa.Pango:
Teka, umamin ka nga. Kayo na ba talaga ni bantot? Nakita ko kasi binigyan ka niya ng necklace.What were his sudden questions about it? Tila lumakas ang tibok ng puso ko nang mabasa ang text niya.
Parang may kung anong kuryenteng naglalaro sa buong katawan ko ngayon. I can't explain it, pero kagabi ko pa ito nararamdaman.
Namaligno na 'yata ako.
Alam kong nakangisi siya ngayon kahit hindi ko naman ito nakikita.
Magaling talaga magpataob itong lokong 'to at naibalik niya pa sa 'kin ang usapan. Kahit kailan talaga ay hindi maisahan ang lokong 'to.
Pandak:
Walang kami. 'Wag kang assuming diyan!Pango:
Sus, mukha nga kayong magkasintahang dalawa. Sa sobrang sweet niyo nga ay kulang na lang langgamin na 'yung upuan n'yo. Nahiya tuloy kaming sumama sa inyong dalawa.Noong nasa sinehan kami ay magkatabi kaming dalawa ni Caleb habang 'yung dalawa naman ay nasa likod lang namin at mukhang naglalandian pa talaga. Nakakainggit kaya!
Pandak:
Gago! Paano mo naman kami makikita eh ang dilim-dilim sa loob ng sinehan.Pango:
May third eye kasi ako!Pandak:
Baka tinubuan kamo ng tubol! HahahahaPango:
Inamoka talaga pandak!
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...