Chapter 24

111 1 0
                                    

"Walang mahirap sa taong may pangarap, Soleil. Wala kang ibang aasahan kung hindi ang sarili mo lang. Kaya sana lumaban ka ng patas sa buhay hanggang sa makamit mo ang buhay na inaasam mo para sa 'yo at para sa atin."

Sa loob ng halos anim na taon, ang mga salita ni nanay ang naging daan ko sa malubak na daanan na aking tinahak at ngayon ay unti-unti ko ng nakakamit ang pangarap namin ni nanay.

Totoo nga ang palagi nilang sinasabi na mahirap maging mahirap.

Kung wala kang pribilehiyo na makapag-aral, kailangan mong magsumikap at humanap ng ibang paraan para may maipangbayad ka sa ng mga bayarin mo sa eskwelahan.

I don't have a choice but to work hard for myself. Noong nawala si nanay sa buhay ko ay doon ko napagtanto na kailangan kong harapin ang buhay ng mag-isa at lumaban para sa sarili, but without the guidance and help of those strangers that became my solitude hindi ako makakatungtong sa kung ano ang mayroon ako sa buhay ngayon.

After working for Sunnies Café for three years, ipinaubaya na sa akin ng may-ari ang buong shop dahil malaki ang tiwala niya sa akin na kaya kong magtagumpay sa negosyong ito. She always has a vision for me that I'll be a success someday, at tama nga iyon.

Hindi ko siya binigo. Pag-alis niya ng pilipinas ay marami na agad akong binago sa shop na naaayon din sa kanyang gusto, para mas tangkilikin pa ng mga loyal na customer ang shop namin.

Midnight Café. Iyan ang pangalan na binago ko pagkatapos ng isang taon na hawak ko ang shop. Inside, there are wooden tables and comfy chairs, and the walls are decorated with cheeful paintings.

Sinamahan pa nga ito ng light jazz music na nag-play sa background, adding to the relaxed and friendly vibe of my shop.

Nasa counter ako ngayon at abalang isinusulat ang mga um-order online at nang matapos ay napabaling ang tingin ko sa mga bagong lagay na pagkain.

A glass case displays a tempting variety of pastries. Hindi lang kape ang mabibili sa amin dahil marami rin akong inilagay sa menu na iba't-ibang pastries na natutuhan kong gawin noong nabubuhay pa si nanay.

Malaki rin ang kinikita ko rito dahil mas maraming customer ang interesadong bumili online, kaya naging matunog ang shop namin nitong mga nakaraang buwan.

Ilang taon na ang lumipas at marami ang nagbago sa buhay ko simula noong lumipat ako rito sa Maynila. Naging tutor ako ni Jina, katulong ng kanyang nanay sa umaga, at trabahante naman sa gabi sa isang convenient store.

Kapag sabado at linggo naman ay ruma-racket ako sa ibang lugar dito sa Maynila, tulad ng pagluluto sa mga restaurant, service crew sa fast food chain, pagiging guwardiya, street sweeper, at marami pang iba.

Halos lahat yata ng trabaho ay napasok ko na magkaroon lang ako ng sapat ng pera para may maibili ako sa pag-aayos ko ng bagong shop, pero ang mas tumatak sa isip ko ay iyong pumasok ako bilang isang assistant secretary last year sa isang politiko, but it turns out to be my worst nightmare.

Kapalit ng malaking sahod ay ang pambabastos niya sa akin at maling ginagawa na muntik pang humantong sa panggagahasa.

Walang naniwala sa akin, kahit na ang pamilya nito, dahil mataas ang reputasyon niya sa mga tao at isa lang akong hamak niyang assistant.

Kaya ng malaman ko na nagpapasok ulit ito ng mga babaeng bibiktimahin niya ay ipinaalam ko na agad sa kanila ang kanyang ginagawa, kaya wala na itong makuha na babaeng sekretarya.

Kinalimutan ko na ang lahat ng iyon, kahit naging usap-usapan 'yon noon. Everything I did for the past six years paid off. Kahit na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral ay sinikap ko ang sarili ko na makaahon sa hirap at tumayo ng mag-isa ng walang nakaalalay sa akin.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon