Pumasok akong winaksi sa isipan ang nakita kong post ni Caleb kasama sina August at Sam. Wala rin naman akong narinig na paliwanag mula sa kanila at parang wala silang balak na ipaalam sa akin ang tungkol do'n.
I mentally laughed. My daily dose of sunshine? 'Yan ba ang paraan niya para aminin na may gusto siya kay Sam?
Halata naman, kasi sa ngiti pa lang nila at kung paano sila tumingin sa isa't-isa ay mukhang bagay nga silang dalawa.
Hindi na ako tatanggi pa ro'n.
''Kami na naawa sa inyo bes. Magbati na kayong dalawa, please...'' Sam looked at me with a puppy face.
Nasa klase kami ngayon at wala pa ang professor namin. Abala akong nagsusulat habang kinokopya ang notes niya. Sa kanya lang talaga ako makakaasa ngayon dahil medyo hectic ang schedule ko ngayon sa Vermont, buti na lang ay nabawasan na ang pendings ko at apat na lang ito. Ilang araw na pero hindi pa rin kami nagkakausap dalawa at wala na rin akong balita tungkol do'n sa blind item post.
Binura na ata ito ng nag-post kaya hindi ko na mahanap. It also gained attention, kaya maraming mga estudyante ang nakisawsaw para lang malaman nila ang tungkol dito.
Bumuntong-hininga ako.''Hindi nga siya nag-te-text eh,'' katwiran ko. ''Wala naman din siyang balak na kausapin ako.''
''Palagi ka nga niyang bukang-bibig kapag magkasama kaming tatlo eh, panay ang tanong niya sa akin. Sigurado akong gusto ka niyang makausap,'' paninigurado niya.
Parang sa tono ng kanyang boses ay itinutulak niya ako para lang magka-usap kami ni Caleb. Muli akong bumuntong-hininga at itinuloy ang ginagawa ko, siya naman ay abala sa pagme-memorize ng mga terms na ire-recite namin sa susunod na klase.
Nang dumating ang Professor namin ay agad kaming bumati. Nagsimula na ito sa kanyang lesson at nagsulat sa pisara. Nagpatuloy lang ito sa kanyang pagtuturo habang tinatapos ang aking ginagawa, makaraang ang kalahating oras ay isinara ko na ang notebook ko.
Buti na lang ay mabilis akong natapos para makasabay ako sa lesson namin ngayon.
''Ms. Flores, can you please stand up,'' Professor Valencia said.
Wala sa huwisyo akong tumayo at nakita kong biglang nagtawanan ang mga kaklase ko. Anong nakakatawa?
''Lutang ka na naman, Sol!'' sigaw ni Andrew, blockmates ko.
''What I mean is may naghahanap sa 'yo sa labas, kaya tumayo ka riyan, Sol,'' aniya. ''Naiistorbo niya kasi ang klase ko.''
Nang igawi ko ang tingin sa labas ay isang pigura ng lalaki ang nasilayan ko. I immediately excuse myself at halos mapatakip ako sa aking mukha dahil sa hiya. Paglabas ko ay naabutan kong nakatayo si Caleb na may bitbit na supot ng plastik.
''Oh, dinalhan kita ng almusal mo. Hindi ka pa raw kumakain sabi ni August,'' he said, softly. ''Huwag ka ulit papasok ng hindi kumakain para hindi ako nag-aalala sa ‘yo.''
''Hindi mo naman kailangan mag-alala, hindi mo ako kargo, Caleb,'' wika ko.
I don't want to hurt or offend him, but I think that's the right term to use. Pinag-isapan ko iyon bago sabihin sa kanya.
He sighed. ''Yet, I still always care for you, Sol. Hindi naman pwedeng pabayaan na lang kita dahil lang nagkatampuhan tayo.''
Iniwasan ko siya ng tingin at napakagat sa ibabang labi. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Sinadya niya ba talaga na pumunta rito para lang makipagbati sa akin? He never texted me these past few days, tapos parang ang dali lang sa aking na patawarin siya.
BINABASA MO ANG
Flower of Youth (Youth Series #1)
RomanceSoleil Amara Flores, a tourism student, was determined to fulfill her mother's dream of becoming a successful café owner, despite their financial struggles. Hindi naging madali sa kanya na pagsabayin ang lahat kahit na umaalalay sa tabi niya si Cal...