Chapter 3

147 10 0
                                    

"Siraulo ka talaga! Iniwanan mo ako ro'n kahapon, tapos hindi mo man lang ako binalikan!''

Umuusok ang ilong ko dahil sa ginawa niya kahapon. Paano ba naman kasi, bigla-bigla na lang umalis kahit hindi pa naman magsisimula ang klase niya.

''Tumambay lang ako sa Cafeteria,'' pagdadahilan niya pa. ''Binalikan naman kita, kaso wala ka na.''

'Tamo! Loko-loko talaga!

Gusto ko siyang sakalin pero hindi ko naman ito magawa. Para bang may pumipigil sa akin na saktan siya-ah basta, makakaganti rin ako sa lokong kapre na 'to!

Ipinadyak ko ang mga paa ko and humalukipkip pa. Hindi ko talaga siya kakausapin ng isang linggo!

''I got something for you, open it.'' Kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam kong nakasilay ang ngiti nito sa labi niya.

''Ayoko niyan!'' pag-iinarte ko.

''Are you sure? Sige ka, ibibigay ko na lang 'to sa mga blockmates mo.''

I heaved a sigh and glared at him. I saw a box on the table pero dahil kulay pula ang plastik nito ay hindi ko nakita kung ano nga ba ang gusto niyang ibigay.

''Ano naman 'yan?'' tanong ko habang nakataas ang kilay.

''Kuhain mo kaya. May kamay ka naman, 'di ba?'' pilosopo niyang sagot.

I mentally rolled my eyes at him pero agad din iyong nawala nang buksan ko ang ibinigay niyang isang box ng doughnuts. Halos maglaway ako sa dami ng flavors na binili niya at mukhang para sa akin nga lang talaga ang lahat ng ito.

''Huwag mong ubusan si tita ah, para sa kanya talaga 'yan,'' pang-aalaska niya.

Napabusangot tuloy ako. Hindi ko na siya pinansin at kinuha ang isang chocolate flavor na doughnut. Ang lakas mo talaga makasuhol, 'noh!
Na 'ko kung hindi lang talaga kita nagustuhan noon baka nabaon na kita sa lupa dahil sa inis ko.

''What happened yesterday? Did he say something to you?'' Caleb asked while we were eating doughnuts.

Abala naman ang isang loko sa pagtitipa sa phone niya at tiyak akong nag-re-reply siya isa-isa sa mga lokong blockmates niya sa Twitter.

''Wala naman. Hindi naman siya nanliligaw, he was just asking kung anong department daw ako. He's also studying here at sa CAS department siya-sa kabilang building pa iyon at malayo sa amin.''

''I already told you na maghanap ka na ng iba, so... I'm basically helping you to like him. Mukha naman siyang maamong tupa,'' he replied.

''I don't like him,'' I retorted.

''May nanliligaw na pala sa 'yo, tiyanak?'' singit ni August. ''Kinulam mo siguro 'yun kaya nagkagusto sa 'yo, 'noh?''

Tumawa naman ang dalawa at dahil sa sobrang inis ay sinikmuraan ko siya, pero balewala lang iyon sa kanya at patuloy pa rin ang paghalakhak niya.

''Ang lakas mo mang-asar! Ikaw nga basted kay Maxine eh,'' pang-aasar ko sa kanya na may kasama pang pagdila.

''How the heck-chismosa ka talagang tiyanak ka!'' anas niya.

I saw yesterday the video about him at hanggang ngayon ay sumasakit pa
rin ang tiyan ko kakatawa.

''Tanga! Kalat na kalat na kaya sa twitter 'yung mga kalokohan mo!'' pang-aalaska ko rin sabay halakhak nang malakas.

Oo, binasted lang naman siya ng isa sa mga sikat na estudyante sa Psychology department dito sa campus namin, at nang mag-post ang isang anonymous sa twitter ng isang video sa rooftop kung paano siya ni-reject ni Maxine Avemae Claveria ay kumalat na agad ito na para bang isang virus.

Flower of Youth (Youth Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon