Chapter 16
Nakangiti siya habang yakap-yakap ang kaniyang pinambili para sa babae. He checked the paper bag if it had all the things the woman asked him to buy.
He excitedly went upstairs when he got into the mansion.
"Si Lyv?"
"Nasa kuwarto niya po."
Patakbo siyang tumungo sa tapat ng silid ng babae. He knocked. Mabuti na lang at binuksan agad ng babae ang pintuan.
"Hi!" nakangiting bati niya sa babae. Binigay niya rito ang paper bag na yakap niya. "I bought you everything that you needed."
"Salamat. Magkano ang lahat? Babayaran ko."
"Mura lang naman iyan. Kargo kita, Lyv. May gusto ka bang kainin?"
The woman chuckled. May nakakatawa ba sa sinabi niya?
"Scorps, hindi ako naglilihi. I have my period."
"But according to what I read, women who are having a period were having food they want to eat. Parang buntis ba," aniya.
"Gusto ko matapos na ito. Iyon lang ang gusto ko."
Bago pa siya sarhan ng babae ay nilabas niya ang isang tangkay ng rosas na binili niya sa labas. Binigay niya ito sa babae.
"Happy Valentine's Day, Lyv," bati niya sa babae.
Tinanggap ng babae ang bulaklak at tumango na lang. He sighed when the door in front of him slammed.
He stretched his left arm. Mula sa mall ay yakap-yakap niya ang paper bag kaya ay nangalay nang kaunti ang kaniyang braso. He had a tough afternoon.
Ang haba ng pila kanina sa mall at pinag-usapan siya ng mga babae roon dahil siya lang ang nag-iisang lalaki na bumili ng gamit pambabae kanina na pumila sa counter.
Tumungo siya sa kaniyang silid at umupo siya sa kaniyang swivel chair. Pinikit niya saglit ang mga mata niya. Gusto niyang umidlip kahit na ilang minuto lang. Nakakapagod naman talaga ang tumayo sa mahabang pila.
Maghapon siyang nakaupo, palakad-lakad sa loob ng silid, at pasulyap-sulyap sa hardin mula sa bintana. Wala siyang ibang ginawa bukod sa mga bagay na iyon.
Mabuti na lang at dumating na ang mga pinabili niya sa lalaki. May dagdag pa itong bulaklak.
Halos malimutan niya na araw pala ng mga puso ngayon. Paano ba kasi ay marami ang nangyari sa buhay niya.
Nilagay niya sa ibabaw ng desk ang bulaklak bago niya binuksan ang paper bag.
Pinigilan niya ang sarili. Pumikit na lang siya at huminga nang malalim.
"Shit! Ginagago ba ako ng lalaking iyon?" Namula ang kaniyang magkabilang pisngi nang makita niya ang mga panty na binili ng lalaki.
Mangiyak-ngiyak siya sa inis. Maganda naman ang tela at sakto sa kaniya ang sukat ng mga ito. Ang kinaiinis niya lamang ay ang print ng mga ito.
"Anim na Lilo and Stitch at anim na Pink Panther?! Shit! Okay lang ba si Scorps? Okay lang ba siya, ha?!"
Sa dami ng mga plain na panty sa women's apparel ay ang may characters pa ang binili ng lalaki.
"Argh! Nakakainis!"
Tinapon niya sa ibabaw ng unan ang mga panty na hawak niya. Tumihaya ang price tag nito kaya ay nagulat siya.
"Shit! Ang mahal! Tig-limang daan ang isang piraso? He spent 6,000 on these?!"
Muli niyang kinuha ang mga panty. Tinitigan niya ang mga ito nang maigi. Ngumiti sa kaniya si Lilo at Stitch. Cute din naman si Pink Panther. Pagtitiyagaan niya na lang muna itong binili ng amo niya.
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...