Chapter 55
Kabado siya dahil bukas na ang LET. Kulang na lang ay lumuwa na sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso na hindi na matumbukan ang wastong ritmo ng tibok nito.
Naiihi siya, at kung minsan naman ay halos mawawalan siya ng lakas. Hindi biro ang humarap sa laban na susubukan niyang ipanalo bukas. She was once a soldier who fought against those questions in that battle before, and they slayed her. Subalit kaniyang masasabi na mas mainam ngayon sapagkat nasa tabi niya si Scorps na siyang nagpapalakas ng loob niya. Hindi tulad noon na wala man lang siyang nasandalan at nakapitan sa gitna ng laban. Oo, nasa tabi niya si Lukas pero panay na lang ang pagsabi nito na baka masayang lang ang effort nilang dalawa, at baka masayang din ang perang nagastos nila para sa board exam niya.
Inangat niya ang mga mata niya upang ibato kay Scorps ang kaniyang titig habang hawak nito ang kamay niya.
"Scorps, kinakabahan ako," sumbong niya sa lalaki.
The man grabbed her hand and pulled her down to make her butt on his lap. Umakbay siya sa lalaki dahil pa-patong sa batok nito giniya ng lalaki ang kaniyang braso.
"Alam ko. Sino ba naman ang hindi kakabahan kapag magtetake ng exam? Ako nga, kahit na magpe-present lang ng plans sa board ay halos gusto ko na lamunin ako ng lupa. Pero kapag nasa gitna na ako ay iniisip ko na sarili ko lang ang nagpapakaba sa akin. Kaya, ikaw, honey, sabihan mo iyang sarili mo na huwag kang pinakakaba nang sobra."
"Sana sa susunod na linggo na lang ang board exam nang sa ganoon ay makakahugot pa ako ng lakas upang mag-take."
Niyakap ng lalaki ang baiwang niya. Kahit na may saplot sa pagitan nila ay dama niya ang init ng katawan nito.
"Mas mabuti nga kung matapos na agad upang mawala na iyong kaba mo."
Umiling siya. Naalala niya na hindi lamang ang board exam ang siyang nakakapagpakaba sa kaniya noon. Mas kinabahan kasi siya noong hinihintay na lang niya na lumabas ang resulta. Iniisip niya noon na baka wala ang pangalan niya sa listahan ng pangalan ng mga nakapasa.
Bigla siyang nanghina sapagkat kung ano ang sinasabi ni Stephany noon at Lukas ay iyon ang nagkatotoo.
Matagal na panahon na ang lumipas, subalit ang mga salitang sa halip na makatulong sa kaniya noon ang sasabihin nina Lukas at Stephany ay ang mga salita pa na siyang magpapababa ng kumpyansa niya sa sarili ang panay na minutawi ng dalawa.
"Huwag ka nang umasa, Alyvia! Wala ka sa listahan! Imagine, simula noong nag-aaral ka pa lang ay puro pasang-awa lang ang mga grado mo! Baliw ka kapag iisipin mong papasa ka sa isang take mo lang ng LET!" Sa halip na palakasin ni Stephany ang loob niya ay ito pa ang siyang papalo sa mga tuhod niya upang mawalan ng lakas.
"Mahal, tama si Stephany! Sa susunod kapag magte-take ka ng exam ay gumawa ka ng solicitations! Saya ang pera natin!"
Kung noon ay nalilito siya kung bakit iyon pa ang sinabi ng dalawa sa kaniya, ngayon naman ay mas malinaw pa sa kalilinis na salamin ang motibo ng dalawa. Iyon ay ang iparamdam sa kaniya na mahina siya at hindi niya magagawa ang mga bagay na pinapangarap niya.
"Hmm."
"Bakit?"
Huminga siya nang malalim at agad na tumayo. Humalukipkip siya pa-talikod sa lalaki at agad ring humarap nang mapalis sa isipan niya ang napagdaanan niya noon.
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...