Chapter 24
Nakangiting nakamasid sa kaniya ang lalaki. Huli na nga nang mapansin niya na hindi nito ginagalaw ang pagkain sapagkat ang mga mata nito ay nakapako sa kaniya na patapos na sa pagkain. Napailing na lamang siya. Batid niyang hindi mabubusog si Scorps kapag manatiling masdan lamang siya nito.
"Kumain ka, Scorps. Hindi ka mabubusog sa pagtitig sa akin."
"Lyv, natanggap mo ba ang bulaklak?" Sa halip na tumugon ay nagtanong pa ang lalaki tungkol sa bulaklak na iniwan nito kay Ela kanina.
"Oo, Scorps."
"Bakit parang hindi ka masaya?"
Ito na siguro ang pagkakataon para matanong niya ang problema ng lalaki sa mga Eldefonso at kung may solusyon na ba itong ginagawa. Silang dalawa lang sa mansyon kaya'y walang makakarinig sa kanilang dalawa, kahit na ano pa ang kanilang pag-uusapan.
"Hindi mo naman kailangan galingan sa pag-arte kung para sa mga mata ng mga kasambahay mo ang ginagawa mo. Ang alam nila ay magkasintahan tayo," sabi niya.
"Who said that I'm acting?" tanong ng lalaki sa kaniya.
Tumigil siya sa pagsubo at agad niyang binato ng tingin ang lalaki diretso sa mga nito.
"You are, Scorps. You don't need to lie to me to make your drama more realistic. Tayong dalawa lang dito. Magpakatotoo ka nga."
Gumapang ang mga daliri ni Scorps sa lamesa hanggang sa kinulong ng mga ito ang kaniyang kamay. Naramdaman niya ang kakaibang sensasyon na dinulot ng pagkakadikit ng mga balat nila ng lalaki kaya'y halos hilahin na niya ang kaniyang kamay.
"Seryuso ako, Lyv. I am not playing around. I am not acting tho. Sinabi ko sa iyo noon na gusto kong panagutan ang nangyari sa atin. That's not a joke, Lyv. Bigyan mo na kasi ako ng pagkakataon."
"Please, Scorps, huwag nating pilitin ang hindi puwede. Alam natin pareho na tayong dalawa ay nakatali sa mga nakaraan natin na paryas nating hinihinayangan."
Ang mga mata ng lalaki ay nalungkot. Subalit ilang saglit ang lumipas ay sumilip ang tuwa sa gilid ng mga ito.
"Lyv, look. When I am with you, I feel like I am free from the chains you think that stopped me from moving forward. G-Gusto kita, Lyv! G-Gusto kita. Hindi mo ba naramdaman iyon?" Finally, he confessed to the woman in a formal way.
Umiling siya.
"Kaya ba ayaw mong resolbahan ang problema niyo ng mga Eldefonso, Scorps? Kaya hindi ka gumagawa ng solusyon dahil gusto mong magpatuloy ang hidwaan sa pagitan ng Zodiac Imperio at ng Bullet Station nang sa ganoon ay hindi ako makaalis dito?"
Hindi na niya inisip na nasa tapat sila ng mga biyaya ng langit. Nadala na siya ng damdamin niyang tunay na siyang kinimkim niya dahil sa takot na bigla na namang lumabas ang Scorps na nakakapanindig balahibo. Subalit ngayon ay hindi na niya mapigil-pigil pa ang sarili. Nais niyang malaman ang totoo.
"Lyv..."
"Hindi ako tanga, Scorps. Huwag mo ako gawing tanga. Oo, hindi ako kasing-talino mo. But for God's sake, hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman na hindi mo inaaksyunan ang lahat." Tumayo siya. Sarkastiko siyang ngumiti. "How about the grandchild of Signor Eldefonso? Pinatay mo na ba ang bata?"
Isang malakas na paghampas sa lamesa ang ginawa ni Scorps na siyang naging dahilan kung bakit nalaglag sa sahig ang ilang mamahaling plato. Bakas din sa mukha ng lalaki ang pagpipigil ng hapdi ng balat matapos matapunan ng mainit na sabaw.
"I will do everything to make you stay here, Lyv. Pero hindi ko kayang pumatay ng bata."
Lumunok siya. Sa kabila ng takot na naramdaman niya ngayon ay umusbong ang kaunting tapang upang buhatin niya paisa-isa ang mga paa niya upang makalapit sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...