Chapter 63
'Sing bilis ng isang kisapmata ang pagbabago ng emosyon sa mansyon. Sumunod sa kaniya ang mga kasambahay hanggang sa loob ng kaniyang silid.
Umiiyak siyang kinuha sa aparador ang mga gamit niya. Nagtataka ang mga kasambahay sa biglaang pag-uwi niya. Lubos pang nakapagtataka ang kaniyang pag-hikbi mula sa entrada pa lamang ng mansyon kanina.
"Maam, ano po ang nangyari?" tanong ni Ela.
"Dumating na ang matagal na hinintay ng amo niyo. I-I thought I was the one he was waiting all of his life but it was beyond my belief. Ang taong hinintay niya ay ang taong nanakit sa puso n-niya!"
"Ma'am, huwag niyo kaming iwan."
Saglit niyang tinigil ang pag-iimpake at tinanaw niya ang mga kasambahay. Lahat sila ay luhaan.
Ang kaniyang puso ay unti-unting napunit habang nakikita niya ang mga mata nila na nagbubuhos ng mga luha. Kailan lang kasi ay hiyaw sila nang hiyaw sapagkat nalaman nila na siya ay nakapasa sa board exam.
They were supposed to rejoice over her victory. But they were grieving as she was preparing her things out of the mansion.
"Lyv! Let's talk," sabi ng lalaking kakapasok lamang.
Basang-basa si Scorps. Siya'y tumanaw sa bintana na ang mga kurtina'y hinihihip ng hangin. Umuulan. Kasing bigat ng sakit na dinadala ng puso niya ang ulang bumuhos.
Nakiisa malamang ang langit sa kaniyang pagkabigo ngayon.
Sa tuwing nakikita niya ang mukha ng lalaki ay ang paghahalikan nila ni Sheryl ang naaalala niya.
"H-Hindi, Scorps. Walang mag-uusap. Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Hayaan mo na lang akong umalis, at lisanin mo ako sa isipan mo. Ganoon din ang namamagitan sa ating dalawa."
"Kayong lahat, lumabas kayo ngayon din!" umuugong na sigaw ni Scorps sa loob ng silid.
Nang nagsipag-labasan ang kanilang mga kasambahay ay maigi nitong sinarado ang pintuan.
Pilit siyang kinukulong ni Scorps sa mga bisig nito kaya pati siya ay nabasa na rin ng tubig mula sa kasuotan ng lalaki.
Kung ang tingin ng lalaki ay madadala siya sa pagmamakaawa nito, at pangungusap ng mga mata nito sa kaniya, ay isa iyong pagkakamali.
Kahit na ano pa ang gawin ng lalaki ay hindi mawala sa isip niya ang nasaksihan niya sa hardin ni Taurus.
She was bringing the news that would probably surprise Scorps. Pero kabaliktaran ang nangyari. Siya itong nasurpresa at nagulat.
"Kaya pala noong unang pagkakataon na may nangyari sa atin ay siya ang t-tinawag mo kahit na ako ang ka-niig mo. She's pretty! S-Someone that deserves your everything!"
"Lyv, inaamin ko naman na sa simula ay mahal ko pa rin siya. Pero nagbago ang lahat dahil sa iyo! Ikaw na iyong mahal ko!"
"Lintik na pagmamahal iyan, Scorps! Mapanakit ang pagmamahal mo! Akala ko ligtas na ako mula sa pagdurusa ko! P-Pareho kayo ni Lukas! Pareho kayong dalawa na mga manloloko!"
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...