Chapter 26
Oo, alam niyang kinakausap siya ng matandang kaharap nila ni Taurus. Subalit hindi niya ito binigyan ng atensyon.
Ang matanda ay nanibago sa kaniya sapagkat minsan na silang nag-usap nito. Siya'y masalita na uri ng lalaki, lalo na kung ang kaharap niya ay ang mga taong sinusuyo niya na maging kasosyo ng kanilang organisasyon.
He's a well-mannered man but now he could tell himself that he's quite lost his self composition in front of this old man.
"Parang hindi yata masaya ang kasosyo ko sa dinner na ito ahh. What happened to the talkative person I met before?"
Umakbay sa kaniya ang kaibigan niyang si Taurus at pinisil ang mga balikat nito. Dahil sa ginawa ni Taurus ay naalimpungatan siya mula sa malalim na pag-iisip.
He was still having a hangover. Hindi siya madalas tamaan sa mga alak, puwera na lang kung tunay na naparami at may problema siya. Ginagawa na kasi niyang tubig ang alak kapag nasa ganoong sitwasyon siya ng kaniyang buhay.
"Signor, kapag nakikita mong ganito ang kaibigan ko ay iniisip niya lang kung anong isda na naman ang huhulihin niya. This man is really a good planner! Fisher of good fishes!"
"Not just a good planner, Taurus. Isa siyang matinik na kaaway. Ang hirap kalabanin!"
Nabuhayan siya ng loob nang marinig ang sinabi ng matanda. He succeeded in making the old man realize that he is not a weakling that this man addressed as. Siya na ito. Si Scorpio Jacoby Melendres.
But then again, he frowned in front of the old man. Nawala bigla ang katiting na tuwang sumilip sa mga mata niya dahil naalala niya na iniwanan na siya ni Lyv.
"Of course. Trademark na iyan ni Melendres, signor. But we would like to extend our warmest gratitude because of your benevolence."
"Ako ang dapat magpasalamat, Taurus. After we became partners, I received a lot of calls from other companies. Ang sabi niya ay nais rin nila akong makasosyo." Tumitig sa gawi niya ang matanda. "Your friend is quite a good catcher in the business," natutuwang sabi nito.
Tanging pagtango at pag-iling lamang ang nagagawa ni Scorps hanggang sa matapos ang dinner nilang tatlo ng kaibigan niya at ni Signor Eldefonso.
"Scorps, hindi dapat ganoon ang inugali mo sa harapan ni Signor Eldefonso."
"I know. Pero hindi ko kasi kayang itago ang nararamdaman ko, Taurus. Alam mo naman kung paano ako masaktan, hindi ba? Nakikita ng mga tao ang tunay kong nararamdaman kapag may lungkot sa puso ko."
"Hindi ka naman ganiyan noon kay Sheryl, man. Oo, umiiyak ka noon at nalulungkot. Pero hindi tulad nito na para bang nasa malayong planeta ka kapag kinakausap ka ng taong nasa harapan mo lang naman."
He swallowed before he leaned on the backrest of the sofa. Tumingin siya sa pader na kulay itim. Naiintindihan niya ang kulay na ito.
Nakakalungkot titigan ang itim na pader. Para siyang nilalamon nito hanggang sa maging isa ang dilim ng kulay nito at nararamdaman niya.
"Man, iba si Lyv. Ibang-iba ang tama ko sa kaniya. Wala namang kami, e. May nangyari sa amin pero ang sabi niya ay bunga lang iyon ng kalasingan, at tawag lang daw iyon ng mga laman natin na kailangan naming tugunan sa mismong oras na iyon."
Nanlaki ang mga mata ni Taurus. Hindi niya pinaalam sa kaibigan na si Lyv ang babae na nakita nito noong tumawag ito sa kaniya pagkatapos nilang uminom sa Z-Bar.
"What the—?! Scorps, may nangyari sa inyo ni Lyv? How come?!"
Pinagdikit niya ang kaniyang mga palad na nasa gitna ng kaniyang mga tuhod at ni-lock niya ito gamit ang kaniyang mga daliri.
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...