Chapter 14
Sumama siya pababa dahil ayaw niyang isipin ng lalaki na papresyo siya. Higit pa ay ang hirap tanggihan ni Scorps.
Pansin niya ang kakaibang titig ng mga kasambahay sa kaniya. Namataan niya si Nadine na panay hagikgik. Iniwas niya agad ang kaniyang titig rito.
"Prepare the table," sabi ng lalaki.
Para namang inasinan na hipon ang mga kasambahay.
Nang handa na ang lamesa ay sinamahan siya ni Scorps para kumain. Umupo ang lalaki sa katapat ng inuupuan niya.
"Kumain ka na," sabi nito sa kaniya.
Tumitig siya sa ibabaw ng lamesa. Para bang may pista dahil sa mga pagkain na mayroon sa lamesa.
Kung kanina ay gutom na gutom siya. Ngayon ay sa amoy pa lamang ng mga pagkain ay busog na siya.
"Marami pang pagkain, Lyv."
"Busog na ako, sir."
Luminga sa paligid ang kaniyang amo. The man leaned forward and signaled her to draw closer.
"Lyv, I heard, sinabihan ka ng mga kaibigan ko na tawagin kami sa mga pangalan namin, right?"
Tumango siya.
"Then call me Scorpio, Scorps, or much better if you call me yours."
Napaatras siya. Ang demanding ng lalaki.
"O-Okay, Scorps."
"Ayaw mo talaga akong tawaging "yours"?"
"I can't, sir. I still belong to someone else."
The man leaned backward and there was a disappointment in his eyes.
"Okay. Sabi mo, e. I can't help you choose a flag you prefer. Mas gusto mo kasi ng pula at ayaw mo ng bughaw. Women."
Siya'y nalaglagan ng panga. Literal na hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya dahil sa winika ni Scorps.
"By the way, I will leave later. Pupunta ako sa opisina."
"With that condition? Kalalabas mo pa lang sa ospital, si—Scorps. Bakit hindi ka na lang magpahinga muna at magtatrabaho kapag tuluyan ka nang gumaling?"
Umiling ang lalaki. "Ilang araw, linggo, at taon akong dapat magpahinga? I thought you wanted everything to be settled already."
Bakit ba siya nakikipagtalo sa lalaki?
"O siya, ikaw na ang bahala. As if you're the person who let other people control you. Mag-ingat ka na lang, Scorps."
The man chuckled. Baliw na siguro itong amo niya.
"I love it when you call me by my name. Here's my card. Call me if you need anything. Magpahinga ka buong-araw. Hayaan mo na ang mga kasambahay na gawin ang mga trabaho rito. Good bye," paalam ng amo niya matapos na binigay nito ang isang calling card.
Tumango na lang siya.
Para siyang magnanakaw kung kumilos sa loob ng mansyon. Ayaw niyang makita siya ng mga kasambahay, lalo na si Nadine. Sa bunganga pa lang ng babaeng iyon ay tiyak siyang puputak-putak na naman ito.
Hingal na hingal siya nang makarating siya sa silid niya. Tumitig siya sa salamin at napasabunot na lang sa sariling buhok.
Nilipad ng hangin ang kurtinang nakasabit rito. Dumungaw siya mula rito patitig sa ibaba. Nahagilap ng kaniyang mga titig ang hardin sa ibaba.
"Mahilig siya sa bulaklak?" tanong niya sa ere.
Nangalumbaba siya habang kaniyang inisip ang takbo ng buong araw na ito. Isang gabi pa lamang siya rito pero pakiramdam niya'y ilang buwan na siyang namalagi sa mansyon ng amo niya.
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...