Chapter 50
Walking down the stairs with her lavender gown, cleavage revealed, and a short hair made her look like a supermodel.
Her feet were leading her to meet the space where her man was standing handsomely. Ang daming tao sa mansyon. Kabilang sa mga panauhin ang mga kaibigan ng boyfriend niya. May ilang siyang nararamdaman dahil parang kailan lamang ay amo niya ang mga ito. Hindi mawaglit sa isipan ni Lyv na hinimatay pa siya noong una niyang nasilayan ang mukha ng nag-guguwapuhang mga kaibigan ni Scorps. Kahit mahirap ay sinubukan niyang masanay na makakaharap niya palagi ang mga lalaki na nagmistulang mga diyos sa angking kaguwapuhan. Nakita niya rin si Miss Lily, Ben, at ang mga Eldefonso. Bumuga siya ng hangin nang makita si Michael na malapad ang ngiti patitig sa kaniya.
"Honey, isang sulyap mo pa kay Michael ay babarilin ko siya ura-urada," pabulong na pagbabanta ni Scorps.
Yumakap siya sa braso ng lalaki upang pagaanin ang loob nito.
"Scorps, siya lang naman ang nakangiting tumitig sa akin. Hindi ko pa kaya nakakalimutan ang ginawa niya sa akin."
"Just tell me if you want that it would be the last time that his lips would make a smile, honey."
"I just wish, matapos na ito dahil gusto ko nang magpahinga," aniya.
"Hindi na ito magtatagal, honey."
Tumikhim si Marga na siyang tumayo bilang host sa party na ito. Her voice was clear and a medium to control the crowd. Kahanga-hanga.
"Now, I am giving the time for our most handsome, the gentleman, Scorpio Jacoby Melendres!"
Sumenyas si Scorps kay Taurus. Nakuha ni Taurus ang nais nito kaya'y lumapit sa kanila ang lalaki.
"Honey, sumama ka muna kay Tau."
Pinatong niya ang kamay sa nakahandang kamay ng lalaki upang giyahin siyang tumungo sa isang espasyo kung nasaan ang iba pang mga kaibigan ng kaniyang boyfriend.
"Man, she's mine. Huwag mo siyang diskartehin," paalala ni Scorps sa kaibigan.
"Hindi ako mahilig tumalo ng kaibigan, Scorps." He rolled his eyes and that made him look cute. Iba na rin ang kulay ng buhok ni Taurus. Kulay abo na ito kaya naman ay mas naging maputi ito tingnan.
Naalala na naman niya ang kuwento ng magkakaibigan na ito. They all have the same denominator, bigo silang lahat. She also heard that the pain that these men are suffering all came from the woman they picked to love heartily. Sa sandaling nakilala niya ang mga ito ay nasabi niyang hindi deserve ng mga ito ang pasakit ng mga babaeng iyon.
Napangiti siya nang kaniyang tinitigan si Scorpio na nasa entablado, hawak ang mikropono at nilakbay ng mga titig ang madla.
Hindi na tulad ng mga kaibigan nito ang lalaki. Nagkita na sila at hindi niya sasaktan ang lalaking ito. Sa mga araw na nagdaan na magkasama sila ay pinadama ni Scorps sa kaniya ang pag-ibig na hindi masusuklian ng kahit na anong materyal na bagay kun'di pag-ibig na puno ng katapatan at sinsiridad lang din ang maaaring ihandog rito pabalik. Hindi niya bibiguin ang lalaki sapagkat alam niyang iyon din ang gagawin ng lalaki sa kaniya.
They were both like birds flying above, having no branch to stay during cold nights and rainy days. But then, they found each other's arms and set it as a place of comfort and shelter against heartaches.
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...