Chapter 17
Umahon siya sa kama. Dumungaw siya sa bintana. Dalawang araw na ang lumipas nang malaman niya ang ginawa ni Scorps.
Hindi niya pa rin lubos maunawaan ang aksyon na ginawa ng kaniyang amo.
Someone knocked outside of her door. Nang binuksan niya ito ay nakita niya ang lalaki na may dalang panlinis ng sugat nito.
"Puwede ba akong pumasok? Magpapatulong lang ako sa paglilinis ng sugat," sabi nito sa kaniya.
Pinatuloy niya ang lalaki subalit wala siyang salitang sinabi rito. Umupo ang lalaki at agad niyang kinuha ang mga gamit panlinis sa sugat nito.
"Ouch! Dahan-dahan lang naman," sabi ng amo niya. "Lyv."
"Hindi pa tapos ang period ko, Scorps. Kung puwede lang ay umalis ka agad pagkatapos kong linisin ang sugat mo."
"Lyv, take it easy please. Masakit," reklamo nito.
Suminghap siya. Marahan lang naman ang ginawa niyang paglinis dito.
Natanggalan na ng tahi at kumipot na ang sugat nito. Iba kapag mayaman. Kahit ang mga gamot na iniinom ay ilang beses na mas madaling tumalab.
Nang nabalot niyang muli ang sugat ng lalaki at tinabi niya ang mga gamit na ginamit niya panlinis ng sugat nito.
"Malapit nang matapos ang lahat, Lyv," sabi ng lalaki sa kaniya.
Mabigat ang damdamin niya sa lalaki. Hindi niya talaga matanggap na may batang naging hostage para matapos ang lahat. Ang inisip niya ay ang magiging trauma na dala ng ginawa nito sa bata kapag lumaki na ito. Tiyak ay hindi ito malilimutan ng bata.
"Mabuti," maiksing tugon niya.
"Galit ka ba sa akin?"
Bahagya siyang natawa nang may pagkasarkastika.
"Hindi lang ako galit sa iyo, Scorps. I feel bad and at the same time I feel afraid of you. Alam ko na galit ka sa mga kaaway mo pero hindi naman kailangan na idamay mo ang buhay ng isang musmos."
"Lyv, I know what I'm doing."
Kontrang-kontra siya sa sinabi ng lalaki. Alam nito ang ginagawa niya?
"Hindi, Scorps. Hindi mo alam. Are you not aware of the possible trauma that what you did may cause to that child? Ginapos mo siya at tinakpan ang bibig. I am certain that you showed guns to her! That's crazy, Scorps! Can you imagine your kid in the family to experience that? Sana lang talaga ay hindi ka ma-karma!"
Kung may nakakarinig sa kaniya ay iisipin na inaaway niya ang lalaki o silang dalawa ay nag-aaway.
"Lyv, ito naman ang gusto mo. Hindi ba? I'm doing this to make everything settled down, Lyv! Gusto mong madaling matapos ang pagkakakulong mo sa mansyon na ito, hindi ba? Well, I'm doing this to cut the problem already."
Hindi niya napigilan ang luha niya dahil sa poot na nararamdaman niya sa lalaki. Kahit na hindi niya makita ang batang kinidnap nito ay awang-awa siya rito.
"Oo, Scorps, gusto kong matapos ito agad pero hindi sa ganoong paraan! Hindi sa paraang ginagawa mo na kailangan mo pang idamay ang batang iyon!"
"Don't tell me what I'm doing, Lyv."
"Then don't tell me what I'm doing too!"
Kumilos siya agad. Nanginginig siyang tumungo sa aparador at binuksan ito. Nilabas niya ang mga gamit niya at pinasok ang mga ito sa kaniyang bagahe.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Lyv? Hindi naman kailangan na umalis ka!"
Nasaktan siya sa sinabi ng lalaki. Kung iyon ang gusto nito ay ibibigay niya. Wala naman silang relasyon.
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomantiekScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...