Chapter 69

179 4 0
                                    

Chapter 69

Dumungaw siya sa bintana ng kaniyang kuwarto. Namamaga ang kaniyang mga mata. Ilang linggo na ang lumipas pero ganoon pa rin ang epekto ng pagkikita nila ng lalaki sa hotel kung saan siya nag-check in noong nasa Maynila siya.

Sa katunayan, noong gabing iyon ay hindi na siya bumalik pa roon. Iniwan nga ang isang maleta niya sa room na iyon. She don't care about her things. Ang nais niya lang noong gabing iyon ay ang makatakas mula sa lalaking iyon.

Hindi niya kayang harapin ang lalaki. Para siyang sinasaksak sa bawat parte ng kaniyang katawan sa tuwing naaalala niya ang paghahalikan ng lalaki at ang ex-girlfriend nito.

Where did he get the guts to ask for a chance to give an explanation? Ano pa ba ang dapat niyang e-explain? He kissed another woman! That's cheating! He's cheating on her! Ni hindi nga nito kayang magpaalam sa kaniya na makikipagkita siya sa babaeng iyon! Again, it's cheating! He's cheating on her twice in a certain moment and with the same person. At sobrang sakit noon para kay Lyv.

Narinig niyang bumukas ang pintuan ng kaniyang silid. Agad niyang inalis ang mga luha niya.

"Anak?"

Ang papa niya pala. Lumingon siya rito at agad siyang ngumiti nang sapilitan.

"Pa?"

"Umiiyak ka na naman ba dahil sa lalaking iyon?"

"Ah—Wala ito, pa. May naiisip lang ako kaya ako naluha."

Buntung-hininga ang tinugon ng kaniyang ama. Lumapit ito sa kaniya at pinaharap siya nito.

Tumitig sa mga mata niya ang papa niya kaya ay dali-dali na lamang siyang yumuko.

"Ang ganda ng mga mata mo para umiyak nang ilang beses sa iisang lalaki, anak."

"A-Ang hirap lang, papa. Ang hirap-hirap kasi siya iyong bumuo sa akin. Hindi ko inakala na ang taong b-bumuo sa akin ay siyang wawasak din sa akin nang pinung-pino."

Giniya ng papa niya ang kaniyang mukha upang makipagtitigan siya rito.

"Ganoon talaga, anak. Hindi natin kayang kontrolin ang aksyon ng mga taong mahal natin. Ika nga ay parang sugal ang mag-mahal, may interest na sakit at poot tayong matatanggap lalo na kung tumaya tayo nang sobra-sobra."

"P-Papa? Minsan ba kayong nagloko kay mama?"

"Niloko ko ba ang mama mo?" Nag-isip ito. "Nag-aaway kami—oo. Ilang beses na rin kaming naghiwalay, anak. Ang mama mo kasi ay selosa. Lalo na sa mga ex-girlfriend ko. Minsan nga ay nahuli niya akong nakipag-usap sa isa sa mga ex ko. Nilayasan niya ako. Pero bumalik siya sa akin. Nakikinig kasi siya kapag nagpapaliwanag ako."

"P-Pero hinalikan mo ang ex mo na iyon?"

"Halik? Hindi lang iyon halik, anak. Pinikot ako. Pinainom ako ng pampatulog ng babaeng iyon at dinala niya ako sa kaniyng bahay. Ginalaw niya ako, anak. Hindi ko maalala kung ano ang eksaktong ginawa niya sa akin. P-Pero nagising ako na wala nang suot na damit."

"Ang martyr naman ni mama—"

"Radikal ang magmahal, anak. Ibinigay ko sa papa mo ang karapatan niyang ipaliwanag ang lahat dahil sa pagmamahal ko sa kaniya." Pumasok rin pala ang mama niya sa kaniyang silid na may dalang gatas at isang saging na lakatan.

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon