Chapter 72

165 6 3
                                    

Chapter 72

Hinalikan ng hangin ang kaniyang mukha kaya'y napapikit siya. Kahit na gabi ay sapat ang liwanag ng buwan, ang mga ilaw na nakalatag sa bawat puno ng niyog na nasa paligid at mga nasa mga poste upang makita ang ganda ng paligid.

Ang mga mata niya'y hinila ng payapang karagatan. Ang nga alon na humahampas sa puting dalampasigan ang patunay na napakamakapangyarihan ng kalikasan. Hindi pa siya nakapunta sa lugar na ito mula noon pero sa wari niya'y matagal na niyang alam kung saan ito. Para bang nandito sa paraisong ito ang kalahati ng kaniyang buong-pagkatao.

The tourists are having the best time of their lives. Bigla na lang siyang napahalakhak nang mahina nang pinagmasdan ang mga bata na naglalaro sa buhangin.

"Fuck! Did I just laugh?" hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili.

Ilang taon na ang lumipas at ang natatandaan niya'y ganoon na rin katagal ang huling pagkakataon na tumawa siya.

"We offer love and care here at Soul of Ines!"

Lumingon siya sa lalaking nagsalita sa kaniyang likuran. He smiled widely. Gusto niyang pigilan ang mga labi sa pag-ngiti pero nakakahawa ang taong nasa harapan niya.

"H-Hi."

"Welcome here at Soul of Ines, sir!"

"Thank you," sabi niya.

"By the way, sir, I am Clarence and I will be the one to assist you tonight, since Miss Alyvia is not available tonight. Pero bukas, siya na ang magiging tour guide niyo."

Medyo nadismaya siya nang malaman iyon pero nanatili pa rin ang ngiti sa kaniyang mga labi. Mahabang panahon ang isang buwan, at maraming mga araw pa na makikita niya ang Miss Alyvia na iyon dito sa resort.

"Samahan ko na po kayo, sir, kung saan kayo mananatili for the rest of the month. Oo nga pala, sir, how's the place? Kanina ko pa po kasi kayo nakikitang nagmamasid. I didn't bother to disturb you earlier because you are enjoying the staring at the sea—I can tell that."

"Parang may magic sa lugar na ito. I'm happy to be here, and I have so much excitement to stay here in a month."

"Indeed, sir! Alam mo ba na ako noon ay isang lonely person din? Pero nang matagpuan ko ang Soul of Ines ay biglang bumalik ang sigla ko. Totoo ang nasa tagline ng resort na ito. This paradise indeed offer love and care. Mabuti na lang dahil mabait si Don Julibio. Binigyan niya ako ng trabaho rito."

Inside of him was a question. Lahat na lang ba ng mga guwapong tulad niya ay may pinagdadaanan? Guwapo kasi itong kaharap niya ngayon at ang loneliness noon ang bukang-bibig nito.

"Sa tingin ko ay makakatulong ito sa healing process ko," sabi niya. Kahit na ang totoong makakapagpagaling sa kaniya ay makita muli si Lyv.

"Let's believe in the power of this resort, sir. Malapit na pala tayo."

Dahil sa ganda ng paligid ay hindi niya namalayan na nasa harap na sila ng isang maliit na hotel na may tatlong palapag. Sa gitna ng gusali ay nakaukit ang Soul of Ines na naka-bold italized.

"Kelly, si sir. Isa sa mga naka-avail ng promo. Samahan mo siya sa room niya."

"Hi, sir." Hinila nito si Clarence at agad na nilapit ang bibig sa tainga ng lalaki. "Clarence, may problema. Mali yata ng pagkakabilang ng available na VIP rooms si Don Julibio. Apat na lang pala ang available," bulong ng babae kay Clarence. Akala siguro nito ay hindi niya narinig ang sinabi.

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon