Chapter 36
He excitedly opened his phone and called their chat group. Hindi niya naikuwento sa mga kaibigan niya ang nangyari kahapon kaya naman ay ngayon na lamang niya ito sasabihin sa kaniya.
"Ano, Melendres? Tuwang-tuwa ka ngayon ahh! May closed deal na naman ba?" tanong ni Aries na kakabangon lang din. Nakita niya na walang suot na kahit na ano ang kaibigan. Pero parang wala na lang sa kanila ang bagay na iyon. Sanay na sila na makita na walang kahit na kapirasong tela ang nakatakip sa katawan ng bawat isa.
"Wear a sheet, you asshole!" anang Libra na nakatitig kay Aries.
Mabuti na lang ay nagsuot na ng puting boxer brief ang kaibigan. Subalit ganoon pa rin dahil lagpas sa garter nito ang alaga nitong namamaga sa laki.
"Fuck that dick, Aries! Umayos ka nga! Nasa opisina na ako. Baka may makakita sa iyo sa ganitang sitwasyon. Iisipin pa na mga lalaki ko kayo," reklamo ni Leo. "And by the way, Scorps. Ano ang sadya mo, at bakit ikaw ay napatawag?"
"Oo nga, Scorps. Girlfriend mo na ba si Alyvia?" tanong ni Pisces sa kaniya.
"Girlfriend his ass! Natotorpe iyan kay Lyv. Bigla na lang nasasarado ang bibig kapag kaharap na niya ang babae. Puro lang kasi siya flowering words," pang-aasar ni Taurus sa kaniya.
"Damn! Hindi kaya! I-I told her she's beautiful!" kontra niya.
Pinagtawanan siya ng mga kaibigan niya. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya sa mga ito.
"You all heard the crap?! Parang sinabi mo lang sa amin na sinabihan mo si Lyv na she's like a doll you want to dress up!" anang Libra na katatapos lang maligo.
"Men, cut it! You're making him blush! What's your blush on ba, sisteret?! Ang kupad, Scorps! Kung gaano ka kabilis sa mga target mo ay ganoon ka naman kabagal kay Lyv!" Capricorn sighed after his dialogue.
Umiling na lang siya.
"She's a different story, Cap," aniya.
Mabuti na lang at hindi na siya inaasar ng mga kaibigan niya.
"Ang seryuso mo naman! Ikaw na talaga ang dakilang mandirigma ng pag-ibig," anang Cancer.
"Alam kong may sasabihin ka, Scorps. Splook mo na!" sabi ni Gemini.
"Ha?!" sabay nilang sambit sa kanilang kaibigan. Lahat din sila ay nakatingin sa maliit na kahon kung nasaan ang mukha ng kaibigan nila.
"Splook?" tanong ni Sagittarius.
"Ano ba iyong splook?!" inis na tanong naman ni Aquarius.
"Base on my personal intelligence. Ginagamit ang salitang "splook" para bigyan ng hudyat ang taong may dalang tsismis na sabihin ang nalalaman nito o nais nitong ikuwento. Gets?" Nasa loob na rin ng opisina nito si Virgo, kahit na ang aga-aga pa.
Sinasabi ng mga kaibigan niya na siya ang pinakamasipag sa kanilang lahat. Pero para sa kaniya ay ang onseng kaibigan niya ang pinakamasipag na mga tao na nakikilala niya sa buong mundo. Hindi pa siya nakakakita ng mga taong tulad ng mga ito.
"Yes. Iyon na nga, hindi niya pinutol ang ugnayan namin." Kahit siya ay nagtaka. Ang kaniyang inakala ay hindi na siya kailanman bibigyan ng pagkakataon ni Lyv. "She said she's glad that I found her," kuwento niya sa mga kaibigan niya. Hanggang sa matapos ang kaniyang linya ay nanatili siyang nakangiti.
"I wonder how you made her realize that," sabi ni Leo.
"Hindi ko rin naman alam na iyon ang sasabihin niya. I am hoping that she will not going to push me away but I am not expecting it. Alam naman natin na si Lukas ang mahal niya kahit panay ang panloloko ng hayop na iyon sa kaniya."
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...