Chapter 67

161 3 0
                                    

Chapter 67

"Hindi mo siya makakalimutan, Lyv!" saad ng kaniyang kapatid sa kaniya.

Naging masayahin si Erika buhat nang naging maayos ang relasyon nilang dalawa ni Lyv. Naging sensitibo na rin si Lyv sa kapatid niya, at insensitibo siya sa kaniyang sarili.

"Ate, kung ako sa iyo ay kumain ka na lang ng mangga."

"Ayaw mo lang na pag-usapan ang lalaking iyon."

"Aba! What do you expect from me? Palagi kong bukang-bibig ang manloloko na iyon? Hell no! At kung ibi-bring up ko man sa isang kumbersasyon ang pangalan niya ay puro panloloko niya ang paulit-ulit kong ipapahayag, dahil iyon naman talaga ang totoo. He's a cheater! A user!"

"He's your Judo's father after all, Lyv. Hindi mo maikukubli iyon."

"As long as I can, gagawin ko, ate. Hanggang safe pa kami ng anak ko rito sa Santa Ines, we will stay here."

"Grabe ka naman makapagtago ng anak mula sa lalaking sinukuan mo ng iyong pagkabirhen. Kung umasta ka ay para bang hindi ka na-in love—parang hindi ka bumukaka sa kaniya, Lyv."

"Kaya nga ako umaasta nang ganito dahil naranasan ko na ang ma-in love sa lalaking iyon na hindi naman pala mapagkakatiwalaan. He's wearing masks, Ate Erika. I don't want to be blinded by the love that covers his true color. Itatago ko ang anak ko dahil ayaw ko siyang lumaki na nakasunod sa yapak ng lalaking iyon."

Nakalinya na parang mga taong magkakasunod sa pagtanggap ng ayuda ang mga manggang kalabaw. Kumuha ng isang slice ang kapatid niya at sinubo ito.

"Ang sarap nitong mangga! Ang tamis! Parang tweet lang ni Scorpio na nagsasabing, "I miss you, honey. Uwi ka na.""

Nabulunan siya nang marinig iyon mula sa kaniyang kapatid.

"See? Affected ang baby sister ko."

"Umaasa ka ba na naniniwala ako sa mga sinasabi mo, ate?"

"Lyv! Hindi ba ay sumama ako kay papa kahapon sa bayan? Doon lang may signal. Habang naghihintay ako sa loob ng sasakyan ay naisipan kong hanapin ang account ng tatay niyang si Judo kaya nakita ko ang tweet niya."

"Stop making stories, ate."

Kinuha ng kaniyang kapatid ang cellphone nito at hinanap ang ebidensiya na kinuha nito.

"Look," sabi nito at tinapat sa mukha ni Lyv ang screen ng cellphone nito.

All she could do was to swallow the slice of mango she put inside her mouth. The sweet and little soury taste of the mango made her mouth filled with her own saliva.

Hindi na siya nakipagtalo pa sa kapatid niya. Nakita niya sa ini-screenshot na tweet ni Scorps ang username nito. Bihira lang mag-open ng mga social media accounts ang lalaki. Abala kasi ito sa trabaho, business, at sa organisasyon. But the she must not be fluttered because of that tweet. The man might be making himself the victim.

"Ano, Lyv?"

"Hindi na nga ako nakikipagtalo, ate. Dp you still have to place your phone in front of my eyes?"

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon