Chapter 30
Nagpaalam siya na hindi siya papasok sa trabaho ngayon para kay Lukas. Namamaga pa ang panga ni Lukas. Ini-x-ray ulit ng doctor nito ang panga niya upang makita kung anuman ang problema nito. Maging ang sikmura ng lalaki ay apektado dahil sa malakas na suntok ng taong nantrip rito. Mamaya pa lalabas ang resulta ng sinagawang x-ray at ultrasound kaya ay nagpahinga siya sa silid.
"Bakit ba kasi nangyari ito sa iyo, Lukas?" tanong niya sa lalaki.
Umupo siya sa tabi ng lalaki at sinusuklayan niya gamit ang mga daliri niya ang buhok ng lalaki.
"Hindi ko rin alam, Mahal ko. Galing ako sa trabaho nang oras na iyon. Naglakad lang ako pauwi sa apartment ni Stephany para makatipid ako nang sa ganoon ay may maiambag ako sa binabayaran natin na utang ko. Nagulat na lamang ako nang may humarang sa akin. Nakasuot ito ng maskara. Tinutukan ako ng baril kaya naman ay hindi na ako pumalag pa. Baka kung pumalag ako ay hindi lamang bugbog ang natamo ko. B-Baka ay kinitil na ng walang-pusong iyon ang buhay ko. Pero ang masaklap ay hindi niya lang ako binugbog. Kaniya pang kinuha ang wallet k-ko. L-Lahat ng kaunting naipon ko para sa susunod na bayad sa aking utang ay natangay ng lalaking iyon, Lyv." Nahirapan man sa pagsasalita ay detalyado na naipahayag ni Lukas ang nais nitong sabihin. "W-Wala naman akong atraso sa taong iyon," sabi pa nito na mangiyak-ngiyak.
Nais niyang alisin ang sakit na nararamdaman ng lalaki. Nagtatrabaho lang ito at hindi nag-agrabyado ng iba pero pinagtripan pa rin ito.
Naiinis siya sa taong nanakit kay Lukas.
"Lukas, hindi kaya ay iyong taong pinagkakautangan mo ang may pakana nitong pambubugbog sa iyo? B-Baka ay hindi na ito makapaghintay pa. Maaaring paraan lamang ito ng kaibigan mo para maipit ka at magbayad na agad."
Tumingin sa mga mata niya ang lalaki. Nakita niya sa mga ito ang takot na naramdaman.
"Hindi ko alam, Lyv. Puwedeng tauhan niya ito. Iyon lang naman ang taong may interes sa akin ngayon. Lyv, paano kung idamay niya ang pamilya ko? P-Paano kung pati ikaw ay madamay rin? I'm anxious about you and my family, Lyv." Inalalayan niya ang lalaki nang makita niya na nais nitong umupo nang maayos. "L-Lyv, parang ayaw ko nang lumabas dito. Kapag nasa labas ako ay nangingilo ang katawan ko. Halos dumaan sa mga eskinita ay hindi ko na magawa pa dahil sa takot ko. Iniisip ko nga na baka kapag nagtagal pa ang utang ko ay mapapahamak ako nang tuluyan, at pati kayo ay madamay rin."
Umiling siya. Hinawakan niya ang mga kamay ng lalaki. Parang bata kung kaniyang pakalmahin si Lukas na hindi mapakali dahil sa takot sa posibleng mangyari.
"That won't happen, Lukas. Gagawan natin ng paraan nang sa ganoon ay mawala na ang pangamba. Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat para lang matapos na itong problema mo sa kaibigan mo, Lukas."
Inangat niya ang kamay ng lalaki at hinalikan niya ang likod nito. Ang kamay na hawak niya ay hindi niya kayang mawalay pa sa kaniya. Tuluyang siyang mawawala sa sarili kapag lilisanin muli ng lalaki ang kaniyang tabi.
"Mahal ko, maraming salamat dahil nandiyan ka palagi para sa akin. Lalo na sa panahon na ito na puno ako ng takot."
Ngumiti siya. "Hindi kita iiwan, Lukas. Ang itaboy kang muli ay hindi ko na gagawin pa. Natuto na ako. Hindi ko kasi kaya na hindi ka makasama. Patawarin mo ako kung nagawa ko sa iyo ang bagay na iyon, ang ipagtabuyan ka nang hindi man lang inalala ang iyong kapakanan. Ang selfish ko kasi ang damdamin ko lang ang inisip ko sa panahong iyon. Sana ay pinalawak ko ang aking isipan upang hindi na humantong sa ganito ang lahat. A-Akin ka lang sana ngayon kung inintindi kita noon pa," aniya.
Marahang kinabig ng lalaki ang kaniyang ulo at inalayan nito ng halik ang kaniyang noo.
"Lubos akong nasaktan noon, Lyv. Masakit ang bigla mo na lang akong inalis sa buhay mo nang hindi mo man lang ako pinayagan na magbigay ng paliwanag. Dahil sa nangyari ay napilitan akong panindigan na lang ang relasyon namin ni Stephany kahit na alam kong hindi naman siya ang tunay kong mahal. Mali iyong ginawa ko, Lyv. Pero mas malaking pagkakamali ang magagawa ko kung ikaw ang ginagalaw ko kahit na hindi mo naman gusto na may mangyari sa ating dalawa hababg hindi pa tayo nababasbasan ng pari," sabi ng lalaki nang matapos nitong halikan si Lyv.
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...