Chapter 37
She was secretly gazing at the man's face in the front mirror. Tahimik silang tatlo ng driver ng lalaki. Tanging ang bawat buntung-hininga lamang na pinapakawalan ng lalaki ang kaniyang naririnig. She swallowed, trying to wet her own throat that went dry after Scorps noticed her bruise.
Lumabas ang lalaki kanina sa sasakyan nito nang makita siya nito na nakalabas na sa coffee shop. Nang hinila siya ng lalaki ay napangiwi siya. Nagalaw kasi ang braso niyang mahigpit na piniga ni Lukas. Umiwan ng pasa ang mga daliri ni Lukas. Sinubukan niyang ikubli ang mga iyon kay Scorps, subalit ay naging desidido ang lalaki sa pagsuri sa kaniyang braso.
"S-Scorps!"
"Let me see, Lyv," sabi ni Scorps.
Hindi nakontento si Scorps. Tinaas nito ang laylayan ng braso ng damit ni Lyv. Hindi maalis sa isip niya ang mukha ng lalaki na puno ng galit kay Lukas.
"Lyv, naman! Paano mo nagagawang hayaan na lang na saktan ka ng lalaking iyon? He's an asshole, you know?!"
"Scorps, ginawa ko ang lahat upang maitago sa mga kasamahan ko sa trabaho ang mga pasa ko. Please, do not make a scene that will push them to ask about what really happened to me."
Ang sinabi niya sa amo niya ay bigla na lang siyang tinrangkaso kaya ay hindi siya makakapasok sa loob ng isang linggo. Ang totoong rason niya ay nahihiya siya sa sinapit niya.
May pasa siya sa mukha dulot ng pananampal ni Lukas sa kaniya na kailangan niya lang takpan gamit ang makapal na foundation. Sa leeg niya ay bakas ang marka ng mga daliri ni Lukas dahil sa pananakal nito sa kaniya. Pati ang braso niya ay masakit din at may pasa. Alam niyang matagal na mawawala ang mga pasa na iyon kaya ay isang buong linggo ang kaniyang leave. Mabuti na nga lang at wala nang masyadong tanong pa ang kaniyang amo. Pinayagan siya nito na lumiban. Naging mabait din sa kaniya ang amo niya. Sinabihan siya nito na kahit hindi siya pumasok ay magpapatuloy pa rin ang pagbigay nito ng sahod niya.
Alam niyang mas bumait sa kaniya ang amo niya dahil kay Scorps. Kilala ng amo niya ang lalaki, at alam niya rin na may pagkaoportunista ang kaniyang amo kaya'y gagamitin siya nito upang maging tulay na siyang maghahatid nito kay Scorps.
"Where do you want to talk, Lyv?"
Bumalik sa realidad ang kaniyang isipan nang marinig ang boses ng lalaki.
"S-Sa apartment na lang," aniya.
Hindi na siya nagulat kung memoryado na ng driver ng lalaki ang daan patungo sa apartment niya. Tiyak na wala siyang maitatago sa lalaki kaya, at ito ang dahilan kung bakit kabisado ng driver nito ang destinasyon nila.
Muling naging tahimik ang loob ng sasakyan ni Scorps hanggang sa makarating sila sa apartment niya. Unang bumaba ang lalaki at pinagbuksan siya nito ng sasakyan.
Tumungo siya sa tarangkahan upang buksan ito. Nakita niya na lumapit ang lalaki sa driver nito at may binulong, hindi lamang niya alam kung ano ang sinabi nito sa driver na nasa loob ng sasakyan bago ito sumunod sa kaniya.
She tried to make the ambiance inside his apartment calming but the man's emotion was unstoppable. Galit ito. Base sa naniningkit na mga mata ni Scorps ay nais nitong manakit upang mawala ang galit nito. Tahimik na lamang siyang humiling na sana ay hindi tumungo ngayon dito si Lukas. Kung sakali kasi ay tiyak na hihimatayin siya sa gitna nila sakaling magsuntukan ang dalawa.
"Diyos ko. Kung nasaan man si Lukas ngayon ay itali mo siya roon. M-Maawa ka," bulong niya.
Inikot ng lalaki ang mga mata nito sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...