Chapter 19

252 5 0
                                    

Chapter 19

Ayaw pa sana niyang gumising subalit ihing-ihi na siya. She slowly opened her eyes. Tuluyan siyang nagkamalay nang naramdaman niya ang matigas na bagay na nakadikit sa kaniyang likuran.

Naalala niya na nagpumilit na matulog sa tabi niya si Scorps dahil lasing nga ito kagabi. Nanlaki ang mga mata niya at napakiyod siya paabante upang mailayo sa lalaki ang kaniyang katawan.

"Lyv, let me sleep a little bit longer," bulong ng lalaki sa kaniya.

Pumiglas siya. Panay ang pagkibot ng matigas na alaga ng lalaki na nakadikit sa kaniyang likod.

"Ihing-ihi na ako," aniya.

Hindi siya kumportable sa nararamdaman niya kaya ay nagpumilit siyang kumawala sa mga yakap ng amo niya.

"Uhm... Bumalik ka, ha. Gusto pa kitang yakapin."

Wala siyang itinugon sa kaniyang amo. Tumungo siya sa palikuran sa loob ng silid at agad na niyang tinupad ang hiling ng kalikasan.

Humilamos siya at agad siyang napabuntong-hininga. Natulog na naman siya sa tabi ng lalaking ka-one night stand niya. Pinagmasdan niya ang repleksyon niyang umiiling-iling.

Pinangako niya sa sarili niya na sasaraduhin na niya ang pintuan at hindi hahayaang makapasok ang lalaki kahit ito pa ang may-ari ng mansyon. Kung ano-ano na lang kasing mga bagay ang nagagawa nila ni Scorps kapag magkasama sila.

Dahan-dahan siyang lumabas sa palikuran. Maging ang paghakbang niya palabas sa silid ay hindi niya pinayagang maramdaman ng lalaki.

"Magandang umaga, ma'am," bati sa kaniya ng isa sa mga kasambahay sa mansyon.

"Magandang umaga."

"Ma'am Lyv!" Sa tinis ng boses ng tumawag sa kaniya ay kilala niya ito kahit na hindi siya lumingon dito. "Ma'am, ang ganda naman ng gising niyo! Ang aliwalas ng mukha niyo ngayong umaga," puri ni Nadine sa kaniya.

Napahawak siya sa kaniyang magkabilang pisngi. Akala niya ay namalik-mata lang siya kanina o hindi naman kaya ay ganoon ang nakita niya marahil nahamugan ang salamin. Nawala ang maiitim na mga bilog na halos sakupin ang gilid ng mga mata niya.

"Binibiro mo lang ako, Nadine!"

"Hindi nga, ma'am! Totoo na para kang bulaklak sa hardin. You are blooming today, ma'am!"

Napailing na lang siya. Mula noong nakarating siya sa mansyon ay panay na lamang ang pagpupuri ng mga kasambahay sa kaniya. Lalo na itong si Nadine na una niyang naging kaibigan sa lahat ng mga kasambahay.

Sa una ay mailap siya sa mga ito. Dala na rin siguro ng sinabi ni Taurus na tsismosa ang mga ito.

Noong ilang araw pa lamang siya rito ay pansin niya iyon kaya ay madalas siyang magkulong sa silid at hindi nalabas maliban na lang kung importante ang gagawin niya sa labas ng kaniyang silid.

Lumipas lang ang ilang araw ay naunawaan niya ang ugali ng mga kasambahay. Kung sa mga amo niya ay tsismosa ang mga ito, para sa kaniya ay pawang makuwento lang ang mga kasambahay ni Scorps. Nagugustuhan niya nga na magkuwento sa mga ito. Para siyang nakatagpo ng sandamakmak na totoong mga kaibigan sa isang lugar lamang.

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon